/ ang bagong media ng digital na filipino

Gusto n'yo po bang malathala ang inyong akda sa AdoboChannel? Send n'yo lang po sa info@adobochannel.com o i-submit dito. Click Here to Submit

Under Arm Alarm

how to minimize underarm odor

Pag-usapan naman po natin ngayon ang tinatawag na “under arm alarm” o mabahong kili-kili.

Sa katagalugan ito ay tinatawag na anghit, putok at pasabog.

***************

Depende sa bagsik nito, subalit ang amoy nito ay maihahalintulad sa hinog na bayabas. Masasabing kaamoy din ito ng puno ng duhat at ang pinakamatindi ay kung, kasing amoy na ito ng chicken curry.

Naniniwala po ako na lahat naman ng tao ay may taglay na kabahuan.

Subukan mo na hindi maligo ng mga apat na araw at hindi magbihis ng damit; tiyak na mangangamoy ka. Pero ang mabahong amoy na tinutukoy ko ay mas malakas ang dating at ito ay nanggagaling sa kili-kili. Minsan nga kahit kapapaligo lamang ng isang tao ay nangangamoy na ang kili-kili nito. Masasabing nagsisimula ito sa pamamawis ng bahaging iyon at pamaya-maya ayan na nga, putok ng mistula. Minsan, mas malala ang amoy ng kili-kili sa kanan; lalo na kung ikaw ay right-handed.

Ngayon, isinulat ko po ang blog na ito para na rin makapag-bigay ng impormasyon ukol dito.

**************

Limitado po ang aking kaalaman pero may kapatid naman po tayong google. Iniisip ko po kasi na kapag naamoy tayo kahit minsan lang ng isang tao; maaring ito ay tumatak na sa kaniyang isipan at hindi na malimutan. Nakapeperwisyo din ito sa pagkatao dahil, kung may crush ka sa isang tao at naamoy ka nito, sa tingin mo magiging crush ka rin niya? ha ha ha

Narito po ang ilang tips para maiwasan ang pagkakaroon ng mabahong amoy sa kili-kili.

*****Una, Kailangan lamang na maging aware tayo sa ating amoy.*****

May mga tao po kasi na hindi nila alam na sila pala ay may putok. Kaya kung may kaanak o kibigan kayo na mayroon nito ay sabihan mo siya. Magtanong ka narin sa iyong pinagkakatiwalaan kung may naaamoy siya sa iyo. Ugaliin ang paliligo. Gumamit ng hiyang na sabon para sa iyo. Aaminin ko na may sabon na hindi nakatatanggal ng anghit o putok,kaya piliing mabuti ang hiyang sa iyo.

*****Pangalawa, huwag ulit-ulitin ang damit. Kapag naligo ka na, kumuha na ng malinis na damit sa aparador, lagi ring magpalit ng damit panloob o undies.*****

Masasabi ko na rin siguro na huwag gumamit ng damit ng tao na may anghit. Kaya minsan kumakalat ang putok dahil, sa hiraman ng damit.

*****Pangatlo,maglagay ng deodorant sa iyong kili-kili. Piliin ang hiyang sa iyo, ang iba kasing deodorant naka-aalergy at nakaiitim pa ng kili-kili.*****

Tingnan ring maigi kung ito ay may kemikal na paraben, dahil sang-ayon sa pinakahuling pananaliksik, canser-causing pala ang paraben; paki-google na lang he he.

Ngayon may payo ang matatanda, hindi ito magastos.

Dinikdik na Tawas daw ang gamot dito. Problema sa tawas ay namamawis ang kili-kili pero wala naman ngang amoy. Ka-turn- off pa rin kapag nakita ng crush mo na basang-basa ang tapat ng iyong kili-kili. Maari rin daw gumamit ng kalamansi, ang problema mahapdi ito kapag natuyo. Kaya bahala na kayo. Piliin lamang na mabuti kung ano ang hiyang na deodorant sa iyo.

*****Pang-apat, Kapag naglalaba ng manual. Kuskusing mabuti at sabunan lalo na ang tapat ng kili-kili. Banlawan rin itong ,mabuti.*****

Kapag may residue kasi ng sabon ang iyong damit ay maaari kang mangati at bumantot. Ibilad na rin ang mga pinutiang damit sa init ng araw, namamatay sa sikat ng araw ang bacteria na sanhi ng putok.

Siempre kasama rin ang diet, huwag puro karne.

Pansinin malagkit at mabaho ang iyong pawis kung puro karne ang iyong kinakain. Damihan ang prutas at gulay. Siempre uminom na rin ng maraming tubig. Samahan mo na rin ng ehersisyo para gumanda ang daloy ng iyong dugo. Kung talagang hindi maapula ang iyong putok, aba e, pumunta na at kumonsulta sa isang dermatologist o endocrinologist o sa kahit na sinong doctor ng medesina.

Sana makatulong ito sa iyo.

Incoming search terms:

  • gamot sa anghit
  • mabisang gamot sa basang kilikili
  • gamot sa mabahong kilikili
  • mabisang gamot sa anghit
  • gamot sa basang kili kili
  • sanhi ng pagkakaroon ng anghit
  • gamot para sa basang kilikili
  • gamot sa mabahong amoy ng kilikili
  • gamot sa mabahong paa
  • pamamawis ng kilikili
4 comments
maxcdn
maxcdn

one time may nakasakay ako sa eroplano galing NY to Detroit, naku super baho ng kili kili halos himatayin na ako.

Abner B. San Juan
Abner B. San Juan like.author.displayName 1 Like

Okey lang magpawis wag lang yung parang may waterfalls na sa kili-kili. Ewww!Dahil sa pawis nakaka-attract tayo ng opposite sex. Sa pamamagitan kasi ng pawis ay naglalabas ang tao ng isang uri ng hormone, ang Pheromone, na nakakapag-trigger ng sexual arousal.Alam nyo ba na 10% ng kalalakihan ay nagsi-secrete ng isang espesyal na uri ng Pheromone na tinatawag na androsterone kaya malakas ang kanilang sex appeal kahit ang karakas nila ay parang isinumpa ng tadhana na tanging nanay lang nila ang nakaka-appreciate.Kaya, guys, magpapawis na kayo baka matagpuan nyo na ang inyong soulmate. Sundin nyo lang ang mga payo ni Rachel para mamatay ang mga bacteria sa pawis na syang nagbibigay ng masangsang na amoy. Kung hindi nyo susundin ang payo baka langaw ang ma-attract nyo hahahaNice, Rachel.

About the author

Rachel Batican-Astrero is a loving wife and a full time Mommy of her two- year- old baby boy.She is a graduate of AB theology in Northen Luzon Adventist College. She has no formal education as far as writing is concern, but her only objective in writing is to inspire people, to give some informations and   to impart lessons in life. She is currently living with her family in California, USA.

Malaking kaligayahan ko na po na makita na inyong binasa ang aking akda, napapangiti po ako kapag ito ay inyong ni-like. Naiiyak po ako sa tuwa kapag ito naman ay inyong i-share. Nakalulugod rin pong basahin ang inyong mga komento. Inspirasyon ko po kayo. Pagpalain po kayo ng Poong Maykapal!

Pwede ninyo akong i-add sa facebook, hanapin lamang po si rachel batican-astrero

Join Our Mailing List
Like Us on Facebook
happy nurses week