/ ang bagong media ng digital na filipino

Gusto n'yo po bang malathala ang inyong akda sa AdoboChannel? Send n'yo lang po sa info@adobochannel.com o i-submit dito. Click Here to Submit

Top 5 Napansin Mo Ba To?

top_5_napansin_nyo_ba_to
Madalas sa bilis ng takbo ng panahon kasabay pa ng pagiging busy ng tao maraming bagay ang hindi natin napapansin o namamalayan ngunit pagbiglang pumasok sa isip natin at tinanong natin sa sarili natin bigla nalang tayong mapapasagot ng OO NGA NO?!

Heto ang sampung mga mahihiwagang katanungan na talaga namang OO NGA NO?!

1. Bakit laging bulok ang kotse sa mga Pinoy action films?
Neil’s Idea – kung hindi kayo nanunuod ng pinoy Films marahil balewala sa inyo to, pero kung masugid kayong fan nila Lito Lapid, Bong Revilla, Erap, FPJ atbp. marahil napapansin niyo to. Isa pang katanungan na magandang ipoint out eh bakit laging tumatambilng ang mga kotse sa pelikula pagsumasabog? San galing ung mga rampa na nagkalat sa daan? Simbulo ba ung mga rampa na un sa driver na sasabog na ung kotse nilang bulok? Naalala ko tuloy ung pelikulang RESIKLO ni Bong Revilla, bakit ung mga Super Advanced civilizations na gumagamit ng armas na high tech (laser) eh ang ginagamit na sasakyan eh owne/rbuggy lang na pinagtagpitagpi na may mga bling bling? bakit di sila umembento ng high tech na kotse? (Ayan nagplugging pa tuloy ako)

2. Sino ang nakaimbento o nagcoin ng mga salitang “Amoy-araw, lasang-tae, mukhang-ipis, Santong kabayo, at nasalvage”?
Neil’s Idea – kung sino man ang nakaimbento ng mga salitang eto e tingin ko matindi ang kapansanan sa pagiisip. Bakit? Ano ba ang amoy ng araw? Ikaw ba eh willing tumikim ng tae? Meron bang tao na mukhang ipis? kelan pa nacanonize at nakapasa ang isang kabayo sa pagkasanto sa simbahang Katoliko? saka hindi ba’t “to save ang meaning ng salitang SALVAGE eh bakit ginagamit un pag may pinapatay at tinatapon sa kangkungan? Ganito ba ang mga salita ng isang “top English speaking nation” in Asia?

3. Bakit madalas pulis, sundalo, o driver ang ginagampanan ng bida sa mga Pinoy action movies?
Neil’s Idea – wala lang sigurong maisip na story line ang mga writers kung ang bida eh barbero, mangtataho, o pari. Well kung titingnan mo naman eh pinipilit parin nilang ipinapakita na multi talented ang bida. Minsan eh hinahabol na ng mga kalaban ung bida at mga sidekick niya kaso dahil organizer din ang bida maliban sa pagiging pulis eh nakakapagparty pa sila sa beach with matching song and dance number. =)

4. Bakit lahat ng super heroes ng Pinoy eh kopya lang sa mga super heroes ng mga Kano?
Neil’s Idea – Siguro hindi lang magandang tingnan na imbes na brief ung nasa labas ng tights ng hero eh bahag. Kaso pinagmamayabang ng mga producers na original daw ang tema ng superhero nila. e.g. Darna, Capt. Barbell, Marina, Lastikman etc. come on mga walang pinagaralan lang ang maniniwala dito.
Si Darna copycat lang ni Wonder Woman, si Capt. Barbell si Superman na nakapulot ng barbell, si Marina si Ariel ng Little Mermaid, at si lastikman si Mr. Fantastic na nagnakaw ng damit kay green lantern. Wala ba tayong originality? Sana nagimbento nalang sila ng Super Hero na walang kayang gawin pero nakakagawa ng batas pagmalapit na ang eleksiyon, oops di na pala original un nauna na si Lito Lapid.

5. Bakit pilit may isang sinto-sinto (baliw) sa bawat bayan o barangay sa Pilipinas?
Neil’s Idea – Come to think of it etong mga sinto-sintong ito eh may kanikanilang unique gig. Yung baliw dito sa amin na si Oplan eh umaastang si rambo siya sa Vietnam war, sa Pasay naman may isa dun si “John Lloyd” e laging may dalang isang baso ng ihi tapos tawa ng tawa. Kung titingnan niyo eh may kanikanila silang teritoryo at kung may nakakainfiltrate dun na isa ring sinto-sinto eh biglang naglalaho nalang ung nakainfiltrate. Ang hindi niyo kasi alam may motto sila “There could only be one!” ang mga taong ito ay may sarili nilang grupo and annually may meeting sila at seminars na inaatendan. Meron din silang annual workshop para mahasa sila. at siyempre annual territorial distribution and renewal of ID and license. License ba kamo? Oo naman license to practice.

 

Incoming search terms:

  • bakit madalas ginagamit ang salitang dito
  • sino sino ang mga filipino na nakaimbento gadgets
2 comments
adobochannel
adobochannel moderator

oo nga ano? di ko rin pinapansinto noon

AdoboChannel
AdoboChannel

oo nga ano? namatay na lang si Fernando Poe di man lang nakagamit ng magarang sasakyan sa mga pelikula nya.

About the author

Neil Alvin

Ako nga pala si Neil Alvin, Isa akong part time pre school teacher, part time blogger, at part time lakwatsero. Masusubaybayan ninyo ang aking mga adventures sa nicerioadventures.blogspot.com

Maliban doon mababasa niyo rin ang mga kuwela kong articles dito lamang sa ADOBO CHANNEL!

Join Our Mailing List
Like Us on Facebook
happy nurses week