/ ang bagong media ng digital na filipino

Gusto n'yo po bang malathala ang inyong akda sa AdoboChannel? Send n'yo lang po sa info@adobochannel.com o i-submit dito. Click Here to Submit

Top 5 Filipino Movie Fails Part 1

top 5 filipino movies fail

Marahil karamihan sa inyo ay laman ng sinehan o tirador ng mga pirated DVDs sa bangketa.

Hindi niyo ba nahahalata na puro Western movies ang binibili ninyo?

Bakit ganoon e napakaraming palabas na gawang pinoy ang pinalalabas sa sinehan kada taon. Heto ang ilang “posibleng” dahilan kung bakit hindi NATIN kinakagat ang palabas na gawang pinoy.

  1. Sobrang daming dakdakan bago magbarilan… Karamihan sa mga action films na pinalalabas ngayon eh medyo “tradisyunal” na ang drama. Keso Good VS. Bad ang istorya eh hindi pa mawawala ang MAHABANG chikahan ng Bida at Kontrabida bago nila paliguan ng bala ang isat isa.

EX. Bida: %(&** ka ilabas mo pamilya ko! Kontrabida: pakalat kalat kasi sila. Iniligpit ko lang. After ten minutes ng usapan:Bida: bading daw si Piolo? Kontrabida: tagal ko nang alam tsong! alam mo bang buntis si Katrina…And ayon pagnaubusan ng topic magbabarilan na sila.

  1. Luha na ginto… Isa pang talagang nakakaboring sa pelikulang pinoy eh ang parang walang katapusang iyak ng bida pag naapi siya. Ang nakakainis pa, dito ipo focus ng cameraman ang camera sa lumuluhang bida. Tatagal ito ng higit limang minuto hangang maubusan ng luha ang umiiyak. Tapos biglang CUT! ibang eksena nanaman. Kung ginto lang sana ang luha ng lahat ng artista eh di sana nabayaran na natin ang utang ng Pilipinas.
  1. Out of the blue musical party… napapansin niyo bang sa bawat action o kahit drama movies eh may parte na pilit pupunta sa beach ang mga cast ng palabas at may musical pa. Nakakabobo nga paminsanminsan lalo na pag action ang palabas dahil hindi ko lubos maisip na habang tinutugis na ng masasamang loob ang bida at leading lady eh may panahon pa silang magkantahan sa beach, complete with lechon and sexy beach goers na nakikisayaw.
  1. Sidekick… isa pa sa mga talagang nagpapalala ng pelikulang Pilipino eh ang pagiging stereotypical ng kwento ng palabas. Palaging may sidekick ang bida na ang image eh laging nagpapatawa o kaya’y binabatokbatukan ng bida. Pero wag ka, napakainvinsible ng mga sidekick na to. kahit mala-incredible hulk na kalaban kaya nilang patumbahin effortlessly. Minsan nga sila pa ang makakapagbigay ng panalo sa bida. Saan kaya makakapulot ng mga taong ganito, parang masarap magkaroon ng sidekick sa buhay.
  1. Poor boy Rich girl… karamihan sa mga drama o action ngayon eh umiikot sa kwento ng isang mahirap ng lalaki na sa lahat ng pagkakaton e biglang madadamay sa isang gulo na pilit may kasamang isang mayamang babae na siyempre magiging kaloveteam ng bida. Siyempre ipapahabol ng kung sinong mayaman na kontrabida at siyempre pupunta sila sa probinsya para magtago at may party sa beach.

Incoming search terms:

  • top filipino movies 2013
  • top filipino movies
  • pilipino movie
  • dvd pinoy fail
  • top 5 filipino movies
  • Top * Filipino Movie
  • tagalog movie hulk
  • saan meron tagalog movies na clear
  • paa cinco full pinoy movies
  • masarap na seks sa pelikulang tagalog
3 comments
vincenttagupa
vincenttagupa

Tama. Pero, kinokonsider ko pa rin ang mga magagandang parte ng Filipino movies. Sa katunayan, umuunlad na nga ang ating industriya sa pelikula. Sana'y umusbong ang "uniqueness" at "development" nito, pati na sa "animations."

Abner San Juan
Abner San Juan

Oo nga! Kakainis.

Kadalasan pa nga kikidnapin ng kontrabida ang babaeng ka-love team ng bida tapos rereskyuhin ang babae kasama ng bida ang sidekick pati lahat yata ng kabaranggay nung babae.

 Syempre magbabarilan sila. Yung mga kontabida mga bano sa barilan samantalang ang bida sharpshooter.

 Pagtapos ng barilan at clear na ang gunsmoke, patay ang main kontrabida tapos dadating na ang mga pulis. Huhulihin ang mga natira pang buhay na alagad ng kontrabida pero yung bida hindi man lang pi-pick-up-in for questioning...parang wala lang.

At tama ka, pagkatapos ng lahat ng aksyon ay magpa-party sa beach hahaha

adobochannel
adobochannel moderator

@Abner San Juan Nakalimutan mo na ba na bago magbabarilan may sayawan muna sa beach na kung saan yung bidang action star ay kakanta pa.


About the author

Neil Alvin

Ako nga pala si Neil Alvin, Isa akong part time pre school teacher, part time blogger, at part time lakwatsero. Masusubaybayan ninyo ang aking mga adventures sa nicerioadventures.blogspot.com

Maliban doon mababasa niyo rin ang mga kuwela kong articles dito lamang sa ADOBO CHANNEL!

Join Our Mailing List
Like Us on Facebook
happy nurses week