Gusto n'yo po bang malathala ang inyong akda sa AdoboChannel? Send n'yo lang po sa info@adobochannel.com o i-submit dito. Click Here to Submit
Gusto n'yo po bang malathala ang inyong akda sa AdoboChannel? Send n'yo lang po sa info@adobochannel.com o i-submit dito. Click Here to Submit
Ang mga Kano kadalasan ninyong nakikitang nagtitipon-tipon kapag Thanksgiving o kaya’y pagchampionship game ng paborito nilang sports na football (Superbowl Sunday).
Dahil tayong Pinoy eh advanced psychologically at emotionally sa ating mga Kano counterparts, maituturing natin na tayo eh socially superior sa kanila. Kaya naman sa aking masusing pagmamatyag at pagriresearch, heto ang sampung kadalasang pangyayari o okasyon na makikita ninyong nagtitipon ang mga Pinoy.
10. Inuman- Most common sa lahat ng mga social gatherings ng mga Pinoy eh ang konting salo-salo ng magkakaibigan (o ng isang stranger na napadaan lamang) -ang INUMAN. Sino ba namang makakatangi sa isang boteng beer at isang platitong highland roasted peanuts na kadalasang laman ng mga mesa sa pagtitipong ito. Dahil sa sobrang sarap ng pagtitipong ito ang mga nagiinuman, na kadalasa’y lalaki, ay todo sa pagtotopless para ipakita ang ebidensya na dapat talagang masama sa top 10 ng pagtitipong pinoy ang inuman. Ang ebidensya na tinutukoy ko eh walang iba kung hindi ang kanilang beer belly.
9. Free taste booth sa Mall – Huwag na kayong maging in denial. Gaya ko aminin niyo na masarap talaga ang libre, at dahil sa mga libreng bagay tulad ng isang cup ng mami o isang maliit na hotdog sa toothpick e talaga namang masaya ng kayo. Alam niyo ba na ang mga free taste booth na ito ang nagpapatibay ng samahan ng pamilya? Mula kay lolo hangang kay apo ang hobby ng pangongolekta ng toothpick or ng maliit na cup e talaga namang team work lalo na pag sa free taste booth ang laban. Kaya sigaw ng masa! More! More! More!
8. BINGOhan / MAHJONGan- Di gaya ng mga free taste booth sa mall, hindi kadalasang buong pamilya ang nagtitipon dito. Ang BINGOhan o MAHJONGan ay kadalasang magbabarkada ang magkakasama. Eto narin ang nagiging kadalasang past time ng karamihan sa ating mga kababayan. Siyo nga ba naman ang hindi magsasaya sa mga pagtitipong ang kadalasan mong maririnig e PONG o BINGO?
7. Lamay/ Burol- Hindi mawawala ang mga lamay o burol sa usual na pagtitipon ng mga Pinoy, hindi lang dahil sa pakikiramay sa namatayan kundi dahil unlike sa mga BINGOhan/ MAHJONGan eh legal ang sugal sa mga lamay. Sino nga ba namang hindi matutuwa sa pagtitipon sa mga lamay, aside sa posibleng income ka eh may libre ka pang biskwit at mani.
6. Political Rally – Sa sobrang cool ng pagtitipong ito, kelangan pang magkapit bisig ang mga magkakasama. At para hindi mawala ang coolness ng pagtitipong ito, kinakailangan pang bombahin ng tubig ng mga pulis ang mga nagtitipong raliyista. Eto ang pagtitipon na alam mong may masasaktan pagkatapos ng pagsasama at programa.
5. Kainan o Birthday party- Bakit kaya ganoon, halos lahat sa list na ito eh may kinalaman sa pagkain? Totoo nga kayang nagtitipon ang mga Pinoy kapag may kainan? Magugulat ka kapag nakawitness ka ng pagtitipon na gaya nito na nilangaw sa probinsya. Hindi maitatangi na maraming nakikitipon sa okasyong ito at alam niyo ban a 80% sa mga nakikitipon na yon eh kagulatgulat na mga strangers lamang.
4. Crime Scene – Bakit kamo napasama sa listahan ng kadalasang pinagtitipunan ng Pinoy ang lugar na may naganap na krimen? Siyempre pa ang Pinoy eh mahilig sa social gatherings. Ang Pinoy eh gustong gustong makita ang mukha sa TV, kaya kahit live hostage taking makikita niyong nagtitipon ang mga pinoy sa may vicinity ng krimen. Minsan pa nga kapag nagkakaputukan isa sa mga nakikitipon ang sure na tinatamaan. Masaklap dito imbes na Makita ang mukha sa TV eh natatakpan nalang sila ng dyaryo habang hinihintay ang ambulansyang pipickup sa kanilang mga labi.
3. Fiesta- Ang Fiesta ay parte na ng kulturang Filipino, bawat bayan sa Pilipinas ay nagcecelebrate ng fiesta. Minsan pa nga bawat kanto ng bayan iba-iba ng fiesta. Ang mga pinoy dahil sa sadyang mahilig at magaling sa pakikipagsocialize e dumadayo pa para makaattend sa mga ganitong pagtitipon, makasampung bundok man ang kanyang dapat tawirin makikita niyo ang Pinoy sa mga ganitong kaganapan.
2. Religious Gathering- Hindi na mawawala sa ating kultura ang pagiging makaDiyos. Karamihan sa mga Pinoy eh higit pa sa devotee ang pananampalataya. Kung minsan pa nga’y buong kalye ng magkakapit bahay ang makikita niyong magkakasama sa mga gathering na ito. Mas matindi, ang iba dumadayo pa mula sa probinsya para makapagparticipate sa nasabing pagtitipon.
1. SALE sa Mall- Walang nang iba pang magtotop sa most common pinagtitipunan ng Pinoy kundi ang SALE. Yup! You heard it right, Mapa 10% man yan na SALE eh hindi palulusutin ng madlang people ang instance na ito para magtipon-tipn Sino nga ba namang di magtitipon sa ganitong okasyon? Kadalasan si tatay lang naman ang kumukontra diba?
