/ ang bagong media ng digital na filipino

Gusto n'yo po bang malathala ang inyong akda sa AdoboChannel? Send n'yo lang po sa info@adobochannel.com o i-submit dito. Click Here to Submit

Thy Will be Done

ama namin
Ayon sa kasabihan, may mga naitakda na raw na mangyayari sa ating mga buhay.

Maaring ito ay mabuti o masama, di natin alam. Bawat isa sa atin ay lahat naghahangad ng mabuting kapalaran, subalit minsan ang tadhana ay sadyang mapagbiro. Ang kagandahan lang sa ating mga Pinoy, anuman ang mangyari, kumpiyansa tayo na mayroong kapamilya na tutulong, alam natin na mayroong Diyos na hindi magpapabaya at patuloy na gagabay.

Kaya’t gaano man kasakit at kahirap ng mga pagsubok na dumating, naniniwala tayong lahat ito ay may solusyon. Lahat nang ito ay lilipas din…………

Ako si Rafaella, “Pipang” kung tawagin ng aking mga kababata at kababaryo.

Dalawampung taon ako nang ako ay mag-asawa. Si Caloy ang aking butihing kabiyak. Pagsasaka at pangingisda lang ang aming ikinabubuhay at isa lang akong maybahay. Mapayapa kaming namumuhay sa aming dampa, hindi naman masasabing kami ay masyadong hikahos dahil sagana naman kami sa bigas at may mga gulay din akong tanim sa aming likod bahay bukod pa sa isdang huli ng aking asawa.

Minsan isinasama ako ng aking asawa sa bukid o hindi kaya sa laot.

Itinigil ko lang ang pagsama-sama sa kanya noong ako ay magdalang tao sa aming panganay-si Shane.

Isinilang namang normal at malusog ang aming unang supling subalit hindi pa man nag-iisang taon si Shane ay nabuntis na muli ako sa pangalawa namin. Ipinanganak ko si Sherry, sumunod naman si Joseph. Taon taon akong nabuntis kaya sabi nga ng aming matandang kapit-bahay; mukhang di pa nga daw lumilinaw ang aking ihi ay buntis na naman. Hindi naman ako makapagreklamo dahil baka magalit ang aking asawa.

Sa aming lugar lang nag-aaral ang aming mga anak hanggang sa makatapos ang mga ito sa mataas na paaralan. Malaking desisyon para sa aming mag-asawa ang pag-aaralin si Shane sa Unibersidad ng Pilipinas sa Maynila, gayun ito ay nakapasa sa pagsusulit para maging iskolar ng bayan. Kay saya ng aking anak na nakapasa siya sa pinakatanyag na paaralan sa ating bansa.

Gusto niyang maging abogada.

Ang aming planong mag-asawa ay sa bayan lang sana ito magkokolehiyo dahil marami rin namang mapag-pipiliang kurso sa mga kolehiyo sa bayan. Para ‘ika ko ay malapit lang ang pagdalaw sa kanya at pwede rin ito makakauwi kung kailan niya gugustuhin. Ngunit likas talaga sa kanyang kalooban ang makapag-aral sa UP. Mahirap man para sa amin ang malayo sa aming anak ngunit ayaw namin itong hadlangan ang kanyang mga pangarap.

Ayaw namin na balang-araw kami ang sisisihin kung sakaling hindi niya matupad ito.

Sa makatuwid kami ay pumayag na mag UP ang aming anak. Nag dormitoryo ito. Medyo nahihirapan kaming mag-asawa sa pagpapadala ng kanyang alawans, buwan-buwan dahil may mga nakababatang kapatid pa rin itong nag-aaral at marami din kaming mga pangangailangan. Ngunit ang lahat ay nakakaya lamang sa paunti-unting pagsisikap. Napakabait ng aming si Shane, dahil hindi ito tulad nang ibang estudyante na sabay sa luho. Marahil alam niya ang aming kalagayan at ang tanging hangad lang nito ay makapagtapos at makatulong sa aming pamilya.

Nasa ikatlong taon na si Shane sa kursong Abogasya nang isang mahanging umaga pumalaot ang aking asawa.

Pinipigilan ko ito dahil sa aking narinig sa radyo na mayroon daw bagyong kasisimula pa lamang. Ngunit hindi ito nagpapigil sapagkat kailangan niyang kumita nang ekstra dahil sa katapusan na naman nang buwan at kailangan na magpadala ng alawan sa aming anak. Sa pagdaan nang mga oras lalong lumalakas ang hangin. Ako ay masyadong nag-aalala na sa kaligtasan ng aking si Caloy. Hanggang sa gumabi wala talaga tigil ang matinding buhos nang ulan at may kasama pang malakas na hangin. Nailipad pa nga ang bubungan ng aming kapitbahay sa tindi ng hangin. May kasama pa itong pagkulog at pagkidlat. Hindi ako makatulog nang gabing iyon sa tindi ng aking pag-aalala. Ipinapanalangin ko na kahit walang mahuling isda ang aking asawa basta makabalik lang ito nang ligtas.

Isang araw na at isang gabi ang nakalilipas ay hindi pa dumarating si Caloy, kinakabahan na ako; pinuntahan ko na ang kanyang mga kasamahang mangingisda kung nakauwi na ba ang mga ito. Napag-alaman kong hindi pala pumalaot ang ibang mangingisda sa aming baryo dahil nga sa nagsusungit na panahon. Samakatuwid ang aking asawa lang ang nasa dagat at nangingisda. Ang aking kaba ay lalong nadagdagan nang dalawang araw na ang lumipas. Matindi na ang aking kutob na may masama nang nangyari sa aking asawa. Dahil kung walang nangyari dito sana’y umuwi na siya kahapon pa. Tiyak na ubos na ang kanyang baong pagkain. Nanghingi na ako nang tulong sa aking mga kapitbahay. Pati coast guard sa bayan ay nahingan ko na rin nang tulong. Sila’y pumalaot na para hanapin ang aking nawawalang asawa.

Bumalik silang laglag ang mga balikat.

May nakapagsabing marahil ito ay patay na dahil sa tindi ng hagupit nang hangin. Ilang beses pang may pumalaot para maghanap sa nawawala kong asawa. Ipinapanalangin ko na lang ngayon na sana kung hindi man siya matatagpuan sa dagat, ito ay napadpad man lang sa ibang parte ng bansa gaya ng aking mga nababalitaang ganyan basta ligtas lamang siya.

Pang-siyam na araw na ang lumipas ng may humahangos na kapitbahay na nagbalita sa aking natagpuan daw ang aking asawang nakasampay ang wala nang buhay nitong katawan sa isang bakawan. Hindi ako magkandaugaga sa aking pagtakbo na halos na rin ako panawan ng ulirat sa tagpong ito. Kaysakit para sa akin ang maagang pagpanaw ng aking asawa. Ano na lamang ang aking gagawin para mairaos ang aking mga anak. Wala na akong mailuha pa ng akin itong makita. tanging hikbi na lamang ang maririnig sa akin.

Agad-agad itong inilibing dahil sa matinding amoy sa tagal na ng pagkakawala. Hindi na naabutan ni Shane ang kanyang ama. nailibing na ito ng siya ay makauwi sa aming baryo. Hindi ito makapagsalita sa matinding shock. Naging tulala ito. Dalawang araw na hindi kumain, lagi lang itong umiiyak. Sinabi ko na lamang na bumalik na siya sa dormitoryo at ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Ngunit parang wala itong narinig sa aking sinabi. Nakatingin sa kawalan. Hindi makatulog kung gabi. Nagsasalita itong mag-isa. Umiiyak din minsan. Pinakikiramdam ko lang ito at minsan isang gabing naalimpungatan ko na lang itong nagsasalitang mag-isa.

“A preamble is an introductory and expressionary statement in a document that explains the document’s purpose and underlying philosophy. When applied to the opening paragraphs of a statute, it may recite historical facts pertinent to the subject of the statute. It is distinct from the long title or enacting formula of a law.”

Iyang ang kanyang sinasabi, hindi ko alam kung ano yan. Ano ba ang malay nang inang tulad ko na walang pinag-aralan. Pagkatapos para itong makikipag-debate kahit walang tao.
Hindi na talaga napilit pang bumalik ang aking anak sa Unibersidad. Mga kakaibang kilos ang aking nakikita sa kanya,hindi rin ito masyadong kumakain. May nakapagsabi na aming kapitbahay na ipacheck up ko daw ito. Dinala ko si Shane sa Klinika sa bayan at inindorso kami sa isang espesyalista sa pag-iisip Psychiatrist daw ang tawag dun.

” Misis ang anak mo ay may mild schizophrenia” wika ng doktor.

Dahil daw ito sa matinding depresyon at marahil ay dinibdib ng aking anak ang nangyari sa kanyang ama at nag-aalala din ito marahil sa kanyang mga gastusin sa pag-aaral; kung kaya ay hindi nakayanan ito.

Pag-uwi namin sa bahay, nakita kong namimilipit sa kanyang higaan si Sherry ganun din si Joseph. Kay taas ng lagnat ng mga ito. Nataranta ako at humahangos na pinuntahan ang aming kapitbahay para humingi nang tulong na bantayan muna si Shane dahil dadalhin ko sa Ospital ang aking dalawang anak. Habang daan matindi ang pagwawala ng aking dalawang anak, muntikan pang tumalon si Joseph sa traysikel kay sakit ng aking kamay sa kapipigil. Si Sherry naman ay nakatalukbong itong nagbibilang ng kanyang buhok. tumatawa animo’y kinikiliti ito. Malakas ang aking kutob. Pero kailangan kong tatagan ang aking loob. Kailangan nila ako.

Hindi ako nagkamali sa aking kutob na ganun nga din ang sakit ng aking dalawang anak. Kaparehas ng kay Shane, Si Joseph Bi-Polar at si Sherry naman ay Schizophrenia na talaga. Sa literal napagkakaintindi ang aking mga anak ay mga baliw.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Tila ako ay nasa gitna nang nag-uumpugang bato. Hinding-hindi ako makahinga sa trahedya ng aking buhay.

Isang umagang nag-aaway-away ang magkakapatid, may nagsasabunutan at ang isa namang lalaki ay parang referee sa kanyang ginagawa. Minsan pinag-uumpog niya ang mga kapatid niya. Gulong-gulo ang aking utak, kasing gulo ng aming bahay na hindi mo mawari kung ito ba ay dinaanan ng delubyo sa dami ng kalat.

Ipinagpapasa Diyos ko na lang ang lahat nang ito.

Isang organisasyon ang aking nilapitan at hiningan nang tulong para maipagamot ko ang aking tatlong anak.

Sa kasalukuyan sila ay naka-admit sa Vicente Sotto Memorial Medical Center Psychiatric Ward.

Araw-araw ko silang dinadalaw, tumutulong ako sa mga narses sa pag-aalaga sa aking mga anak.

Hindi ko maaaring sisihin ang Diyos sa aking kapalaran, siguro ito talaga ang kaloob nya sa kin at ito’y taos puso kong tinatanggap.

 


Sana!

 

Incoming search terms:

  • what tips about para hindi magalit sa asawa
  • articles tungkol sa mga desisyon ng mga estudyanteng magkokolehiyo
  • guhit sa leeg kasabihan
  • kasabihan ng guhit ng palad
4 comments
Gheena Oliveros
Gheena Oliveros

Sa akin man pang fb lang di ko tuloy mabasa anyway anuman ang pinagdaanan nya basta kakampi mo ang diyos lahat kaya

Jumanji
Jumanji

Napaka hirap nga nito. Madaling sabihin na OO pero sa aktwalidad, mahirap ito. Sana nga lang sa pagdaan ng panahon ay matutuhan mo na ring tanggapin ang ganito kapait na kapalaran. Ang isa talagang epektibong strategy dito ay ipag pa sa diyos na lang. Ang paniniwalang, wala naman talaga tayong magagawa sa ating kapalaran, kasi sya lang ang nakakaalam. Sya lang ang nag de decide kung ano nga ba talagang maganda at nararapat sa atin. 

Madali rin ba kayang sabihin ang katagang "Lord, Thy will be done?" Sa tingin ko mahirap din lalo na kung may konti kang pag aalinlangan sa yong paniniwala. Subalit kung buo ang yong pagtitiwala sa panginoon, sa tingin ko madali ngang sabihin at isapuso ito.

hay buhay! Bakit nga ba? Bakit nga ba minsan mapagbiro ka?

About the author

Adelle Juliata Esic

A loving wife, working here as Private Nurse here in Jeddah,
and a boring blogger.
” hindi naman talaga ako writer, inspired lang kahit papano, pagpindut lang ng like masayang-masaya na ako.
God bless Us Always”

Join Our Mailing List
Like Us on Facebook
happy nurses week