/ ang bagong media ng digital na filipino

Gusto n'yo po bang malathala ang inyong akda sa AdoboChannel? Send n'yo lang po sa info@adobochannel.com o i-submit dito. Click Here to Submit

The End of Black Spiderman

patay na si black spiderman

Mula sa aking kinaroroonan ay kitang-kita ko kung paano sya maingat na umaakyat sa isang puno. Malaki ang mga sanga nito…kayang-kaya ang bigat nya. Mula sa sanga ay pinilit nyang bumaba sa bubong ng isang bahay. Maingat ang kanyang paghakbang. Maya-maya pa ay nakita kong dumapa sya at gumapang. Nagmistula syang isang gagamba

Nasa rooftop ako ng bahay namin nung gabing iyon. Madalas kami doon magpahinga ni misis bago matulog. Mahangin kasi at mula doon ay natatanaw namin ang malaking bahagi ng aming neighbourhood.

Tulog na ang asawa ko kaya mag-isa lang ako ngayon dito. Dala ko ang isang binocular telescope na nahiram ko sa isang kaibigan. Mag-i-stargazing ako.

Ayon kasi sa PAG-ASA o Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, isang magandang panoorin sa papawirin daw ang masasaksihan ng mga residente ng Metro Manila at ng western section ng Central Luzon ngayong gabing ito. Maging kaming mga taga Southern Luzon ay magkakaroon ng nice view ng mga falling stars. Sa kanilang pagtataya ay mga 40 meteors kada oras ang makikita. Tinawag nila itong Geminid Meteor Shower dahil ang mga meteor daw ay nagmula sa Gemini Constellation…kung saan man yun ay hindi ko na inalam.

Hatinggabi na pero wala pa rin ang pangakong spectacular show ng mga bulalakaw. Medyo naiinip na ako. Mabuti na lang ay may baon akong two bottles of Red Horse Strong Beer…pampaalis ng pagod at ng inip.

Twelve thirty a.m. na wala pa ang mga falling stars. Nagpasya akong sumilip sa dala kong teleskopyo. Sinipat ko sa binoculars ang aming public market. Ang linaw. Parang malapit lang at abot-kamay ang mga nakikita ko. Dis-oras na ng gabi pero may mga nakatambay pa rin sa palengke. Nagkukumpulan sila sa tapat ng isang hamburger joint na bukas 24 hours.

Sa banda pa roon ay matatanaw ang simbahang Katoliko. Nasa likod naman nito ang Evangelical Churh at nasa di kalayuan ang simbahan ng Iglesia Ni Cristo na katabi ng public High School.

Okey palang libangan itong telescope. “Magkano kaya ang ganito?”, tanong ko sa aking sarili. Mukhang mamahalin ang nahiram ko.

Wala pa rin ang mga bulalakaw kaya inaliw ko na lang ang sarili ko sa pag-o-obserba sa aming paligid.

At nakita ko nga sya.

Black Spiderman ang tawag ko sa kanya. Maitim kasi ang kanyang balat at palagi syang nakasuot ng all black. Para nga naman madali syang ikubli ng dilim. Kapitbahay ko sya at kilala sya dito bilang isang “Peeping Tom”.

Hindi Tomas o Tom ang pangalan ni Black Spiderman. Ang “Peeping Tom ay bansag sa mga taong bosero o mamboboso o naninilip ng patago para makakuha ng sexual pleasure. Nagsimula raw ang katawagang ito mga taong 1040-1080 noong panahon ni Lady Godiva. Kinukumbinsi raw ni Lady Godiva ang asawa nyang si Leofric, ang Earl ng Mercia, para ibaba ang buwis. At para mapilitang sumunod sa hiling nya ang Earl, nagbanta si Lady Godiva na lilibot sa buong Mercia sakay ng kabayo na walang saplot sa katawan.

Hindi naman natinag si Leofric pero nagpalabas sya ng utos na magsara ang lahat ng kanilang mga bintana at huwag panoorin si Lady Godiva. Sumunod naman sa utos ang lahat maliban lang sa isa. Sya ay isang butcher o matadero na nagngangalang Tom. Nahuli syang sinisilip si Lady Godiva nang ang huli ay nagburles. At simula noon ang lahat ng mga bosero sa buong mundo ay tinagurian na ng “Peeping Tom”.

Si Black Spiderman ang numero unong bosero sa lugar namin (hindi ko alam kung sino ang number two, kung meron man). Sa palagay ko ay isa na iyong sakit. Minsan ay nahuli sya ng mga barangay tanod na nakahubo’t hubad sa isang bakanteng bahay. Nang sya ay nahuli sa ganung kalagayan ay tanging dyaryong may temang “for adults” ang ginamit nyang panakip sa maselang bahagi ng kanyang katawan. May mga kwento pa akong nasagap na maging ang kanyang ate ay balak nyang gawan ng kahalayan.

Ayon sa ate ni Black Spiderman (ikwinento nya sa isang kapitbahay namin at yung pinagkwentuhan ang sya namang nagkwento sa akin), naglalaba raw sya nang may inihagis na papel sa kanya si Black Spiderman. Nakasulat raw doon ang isang pagbabanta. “Mag-ingat ka…ikaw ang isusunod ko”. Hindi naman natuloy ang maitim nyang balak sa ate nya dahil ginulpi sya ng mga kuya nya nang malaman ang kanyang ginawa.

At ngayon nga ay nasasaksihan ko ang pamboboso ni Black Spiderman

Isang malakas na palahaw ang bumasag sa katahimikan ng gabi… “Ayyy…bastos…saklolo…” Nagtahulan ang mga aso. Nakita kong nataranta si Black Spiderman. Tumakbo sya at nagpalipat-lipat sa ibabaw ng mga bubungan. Nagkaroon ng komosyon. Marami ang sumaklolo sa biktima. Hinabol nila ang itim na gagamba.

Maya-maya isang putok ng baril ang umalingawngaw. Sapul ang “:Peeping Tom”. Kitang-kita ko kung paano sumuray ang pusakal na bosero. Nahulog sya mula sa bubungan. Wala na itong buhay nang bumagsak sa lupa.

Patay na si Black Spiderman.

.

Incoming search terms:

  • kwentong pamboboso
  • Kwentong kalaswaan
  • kuwentong kalaswaan
  • kuwentong pamboboso
  • kwento ng pamboboso
  • mga kwento ng pamboboso
  • Bosohan ang kapitbahay story
  • Mga kalaswaan namin ni misis story
  • Mga kwentong kahalayan incest
  • mga kwentong pamboboso
5 comments
Abner San Juan
Abner San Juan

Loko talaga yang si Black Spidey, yung dati kong syota pinagtangkaan nya ring bosohan. Mabuti na lang nabali yung sanga ng puno ng Caimito kaya nabuking sya.

Rachel Astrero
Rachel Astrero like.author.displayName 1 Like

Good job, Kuya Abner San Juan. Marami talagang mamboboso ngayon. Siguro may mga problema sila sa utak. Hayaan tuloy, sa kalaswaan ng mata, nahulog tuloy at namatay.ouch

adobochannel
adobochannel moderator like.author.displayName 1 Like

 @Rachel Astrero ma L kasi yang black spiderman na yan. Ngayon tuloy i L na sya as in Libing. lol!

maxcdn
maxcdn

buti nga sayo Spiderman ka!

About the author

Abner Bañares San Juan

I am happy!

Join Our Mailing List
Like Us on Facebook
happy nurses week