/ ang bagong media ng digital na filipino

Gusto n'yo po bang malathala ang inyong akda sa AdoboChannel? Send n'yo lang po sa [email protected] o i-submit dito. Click Here to Submit

Sino Nga Ba Si St. Francis ng Assisi?

pope francis

Nasa loob ako ng bus. Pauwi na ako galing Divisoria. Konti pa lang ang pasahero dahil kaaalis pa lang nung isang nauna. Matagal-tagal pa ‘to aalis. Mabuti na lang may TV sa loob nito. Pampaalis ng inip.

Solo ko yung pan-tatluhang upuan na nasa likuran ng driver. Makakapag-unat-unat ako at nasa harapan ko lang ang telebisyon. Ayos.

Ang kaso, may sumampang pasahero, dalawang batang lalakeng estudyante na siguro nasa edad dose. Umupo sa tabi ko. Tsk. Ang daming bakante sa likod dito pa napili umupo sa tabi ko.

Hindi ako maka-concentrate sa pinapanood kong noontime show. Kwentuhan ng kwentuhan ‘tong mga katabi ko nang biglang pinutol ang programang pinapanood ko para bigyang-daan ang isang “Flash Report”.

Ibinalitang may napili nang bagong Pope.

Si Cardinal Proto-Deacon Jean-Louis Tauran ang nag-anunsyo sa bagong halal na Santo Papa. “Annuntio vobis gaudium magnum: Habemus Papam…”

Si Argentinian Cardinal Jorge Mario Bergoglio, S.J., ang bagong Pope. Siya ang unang Jesuit pope in history. Francis ang pinili nyang maging pangalan bilang Pope. Sunod ito sa pangalan ni St. Francis of Assisi.

Katulad ni St. Francis of Assisi, ang bagong santo papa ay may puso ring maka-mahirap.

Ang kwentuhan ng dalawa kong katabi ay napunta sa katatapos lang na Flash Report.

Student #1: “Alam mo ba na Giovanni ang ibinigay na pangalan kay St. Francis of Assisi ng nanay nya dahil favorite nito si Saint John The Baptist. Ang Giovanni kasi ang katumbas ng John sa salitang Italyano”?

Student #2: “Alam ko.”

Student #1: “Alam mo rin ba na noong dumating ang tatay nya galing sa isang business trip sa France ay pinalitan nya ang Giovanni ng Francesco na ang ibig sabihin ay “Frenchman”?

Student #2: “Oo naman. Ako pa.”

Nakisabat ako sa dalawa. Sabi ko kay student #2, “ang galing mo naman. Bakit alam mo?”

Kasi po classmates kami. Required reading po sa amin ang life story ni St. Francis de Assisi”

Kaya naman pala, eh!,” sabi ko. “Sige nga, tingnan ko kung gaano na karami ang alam nyo kay St. Francis de Assisi. Sino gustong mauna?”

Ako, kuya.” Tumaas pa ng kamay si student #1.

Okay, Go!”

Student #1: “Ipinanganak na mayaman si St. Francis sa Assisi, Italy. Negosyante ang tatay nyang si Pietro at galing naman sa mayamang angkan sa France ang nanay nyang si Pica.

Katulad ng pangkaraniwang kabataan, masayahin sya at maraming kaibigang kaedad nya. At noong edad 20 siya ay sumama pa siya sa digmaan laban sa karatig bayan ng Perugia. Naging prisoner of war siya sa loob ng isang taon.

Sa murang edad ay kinakitaan na si Francis ng pagkakaroon ng pagmamahal sa mga kapus-palad.

May isang pangyayari na si Francis ang nautusan ng kanyang ama na magbantay ng tindahan nila at magbenta ng mga paninda nilang tela. May isang pulubing namalimos sa kanya. Ibinigay nya lahat ng benta nya sa pulubi. At dahil doon ay katakut-takot na sermon ang inabot nya sa kanyang ama.

Nagsimula ang malaking pagbabago sa buhay nya nang minsang mapanaginipan nya si Hesukristo na nagsabi sa kanya na, “Francis, Francis, ayusin mo ang aking simbahan dahil unti-unti na itong nawawasak.” Ni-repair nya literally ang simbahang madalas nya pagdasalan, ang St. Damien Church.

Pinutol ko muna si student # 1. “O, ikaw naman, sabi ko kay student # 2, may gusto kang idagdag?”

Student #2: “Gusto ko lang po sabihin na kahanga-hanga si St. Francis. Ilan kaya sa mga mayayamang tao ngayon ang kayang gawin ang ginawa nya?

Tinalikuran nya ang yaman ng kanilang pamilya at piniling mamuhay sa kahirapan, kasimplehan at sundan ang yapak ni Hesukristo.

Tatanungin kita, kuya, bumaling sa akin si #2, ikaw ba kaya mong sundan ang mga yapak nya?”

Mahirap yata, sabi ko. May pamilya akong binubuhay kaya gusto kong yumaman. Paano na ang mga pangarap ko sa kanila kung piliin ko ang maging mahirap? Ah, basta. Mahirap yan. Siguro kung binata ako baka pwede pa. Ang hina ng pananampalataya ko, ‘no?”

Hindi naman po. Iba lang po siguro ang “calling” ninyo.”

Siguro nga.”

Student #1: “Kuya, alam mo ba na hindi lang sa mga tao nag preach si St. Francis at nagpakita ng pagmamahal?”

Ha? Kanino pa sya nag-preach kung hindi sa mga tao?

Nag-preach din sya sa mga hayop. Ito yung panahong may mga followers na sya at binuo na nya ang Franciscan Order na may vow na obedience, chastity at poverty.

Kinilala na noon ni Pope Innocent III ang grupo nila at binigyan sila ng permit na mag-preach dahil marami nang members ng grupo. “Tonsured” sila bilang tanda ng pagkilala ng simbahan sa kanila. Ibig sabihin kinalbo ang tuktok ng ulo nila at itinira ang mga buhok sa gilid.

May isang pangyayari nga na minsan habang nagpi-preach sila sa Assisi ay may nakita si St. Francis na isang puno na maraming nakadapong ibon. Nilapitan nya ang mga ito. Hindi nabugaw ang mga ibon sa paglapit niya.

Sabi niya sa mga ibon, “Brother and sister birds, dapat kayong magpasalamat at laging magbigay-puri sa Panginoon dahil siya ang nagbigay sa inyo ng magandang balahibo at mga pakpak upang makalipad.” Ang mga ibon ay tila nakikinig sa kanya at hindi lumipad hanggang di natatapos ang pagpi-preach ni St. Francis at nag-sign of the cross.

Student #2: “Eto pa ang mas kamangha-manghang nagawa ni St. Francis, kuya. Sa lungsod ng Gubbio ay may mabangis na lobong lumalapa hindi lang ng kapwa hayop kundi maging ng mga tao.

Kinausap ni St. Francis ang mabangis na lobo at pinagalitan nya ito. “Sa ngalan ni Hesukristo, lumapit ka sa akin Lobo na hindi ako sasaktan o kahit sino pa man. Nakapagtatakang sumunod ito sa utos ni St. Francis.

Hindi mo ba alam na masama ang iyong ginagawa? Kinakain mo hindi lang ang mga hayop kundi maging ang mga taong ginawang kawangis ng Diyos. Galit na sa ‘yo ang lahat dahil sa mga ginawa mo. Pero ‘wag kang mag-alala aayusin ko ang lahat kung mangangako kang hindi mo na uulitin ang pamiminsala mo. At kataka-takang maamong nakinig lang sa kanya ang lobo.

Magmula noon ay hindi na naminsala ang lobo. Pinapakain na rin sya ng mga tao sa tuwing dumadalaw siya sa Gubbio.”

O, ano kuya, bilib ka na ba kay St. Francis?”

Oo, Naman. At bilib din ako sa inyong dalawa dahil nag-aaral kayong mabuti at ginagawa ang inyong assignments. Bababa na ako sa susunod sa bus stop. Ano nga pala ang pangalan nyo?”

Francisco po,” sabi ni #1.

Giovanni po,” sabi naman ni #2.

Weh…‘di nga?”

Kayo po, ano po pangalan nyo?” duet pa sila.

St. John…haha…ako si Abner B. San Juan”

At nag-high five kaming tatlo…gimme five…APIR!

Incoming search terms:

  • talambuhay ni pope francis
  • talambuhay ni st francis of assisi tagalog
  • talambuhay ni san francisco ng assisi
  • talambuhay ni st francis of assisi
  • sino si st francis of assisi
  • talambuhay ni st francis de assisi tagalog
  • kasaysayan ni st francis ng assisi
  • buhay ni san francisco ng assisi
  • talambuhay ni pope francis of assisi
  • talambuhay ni saint francis de assisi
3 comments
Abner San Juan
Abner San Juan

Kaya nyo bang sundan ang mga yapak ni St. Francis of Assisi?

jeric Marquez
jeric Marquez like.author.displayName 1 Like

@Abner San Juan mahirap yun. Actually bago naging si Pope Francis napanood ko movie about him yung Brother Sun Sister Moon Yata. Grabe hangang hanga ako sa kanya. Yung ang tunay na halinbawa ng pagsi silbi sa diyos at pagiging tao.@Abner San Juan @Abner San Juan

Abner San Juan
Abner San Juan

Papanoorin ko nga yan. 

May madaling paraan para maipakita mong sumusunod ka sa yapak niya. Magpa-TONSURE ka rin! Kayang-kaya mo yun.

About the author

bongieto

Bongieto is a technology consultant for one of the world’s biggest tech company. He has a Masters Degree in IT and likes to tinker with gadgets and gizmos. He is also an avid blogger about anything; spirituality, gadgets, humor and anything that piques his interest. He is also the creator of AdoboChannel.

Join Our Mailing List
Like Us on Facebook
happy nurses week