/ ang bagong media ng digital na filipino

Gusto n'yo po bang malathala ang inyong akda sa AdoboChannel? Send n'yo lang po sa info@adobochannel.com o i-submit dito. Click Here to Submit

Si Ina

the philippines

Mabait at responsible naman si Ina pero malayo ang loob ko sa kaniya.

Lagi ko kasing naririnig sa mga kapit-bahay namin na tanga at puta raw si Ina. Noong una ay hindi ko alam kung ano ang puta. Pero ipinaliwanag ng isa kong kalaro sa akin. Puta pala ang tawag sa babaeng kung sino-sino ang gumagamit at babayaran ng pera. Simula noon ay ikinahiya ko na si Ina.

Mahal ko naman si Ina, may pagkakataon nga na nakipagsuntukan ako dahil pakiramdam ko masyado nang binabastos si Ina. Pero ano ang magagawa ko, kung totoo ang mga sinasabi nila. Kung titingnan nga naman ay iba-iba ang hitsura naming magkakapatid at walang maiturong Ama namin si Ina. Kaya kung tawagin din kami ng mga tao ay putok sa buho. Labinlima nga pala kaming magkakapatid at ako ang pang sampo.

Lalong lumala ang paglayo ko kay Ina. Ayaw ko siyang dumadalo sa mga pagtitipon sa paaralan namin; kahit pa dapat dumalo ang mga magulang. Nahihiya ako halos, na masabing anak niya. Minsan sumasagot na rin ako sa kaniya nang pabalagbag. Nakikita ko na lamang na nagiging malungkot si Ina sa inaasal ko.

Third year na yata ako noon sa Hayskul. Nagulat ako, nang dumating ako sa bahay namin ay mayroon pala kaming bisita. Siya raw si Uncle Samuel. Hindi namin siya kamag-anak dahil siya ay isang Amerikano. Pero parang asong bahag ang buntot ni Ina pagdating sa kaniya. Para bang Amo si Uncle Sam at alila si Ina. Ngunit mabait si Uncle Sam, naalala ko nang binati niya ako,

Hey you, Young Man, How are you?” bati nito sa akin

Bigla kong binunot ang itinagong Ingles ko

Oh I’m fine Sir, thank you. Hope you’re ok too.”Sagot ko naman na kinakabahan. Pero parang ang gaan nang loob ko kay Uncle Samuel. Mukha naman kasing mabait at mapagkakatiwalaan. May-ari raw siya ng dalawang naglalakihang korporasyon sa Maynila.

Pamaya-maya ay nakita ko si Ina na may iniabot na lamukos na mga perang papel kay Uncle Samuel. Pambihira! May utang pala si Ina kay Uncle Samuel. Lalo akong napahiya.

Bago umalis si Uncle Samuel ay sinabi niya sa akin ang isang imbitasyon,

You look smart Young Man. I hope that you can work for me Someday” nakangiting sabi nito. Matapos ay iniabot sa akin ang isang calling card. Ngiti lamang ang isinagot ko.

Simula noon ay nagkaroon ako ng pag-asa na makalayo sa poder ni Ina. Ayaw ko na kay Ina, habam-buhay ba na titiisin ko ang pangungutya ng mga tao sa kaniya dahil sa pamumuhay niya? Gusto kong magbagong-buhay. Kaya nang minsan ay nagpaalam ako kay Ina. Sinabi kong pupunta ako kay Uncle Sam para magtrabaho. Tumutol si Ina, umiyak at nakiusap na huwag akong umalis pero naging matigas ako.

Pumunta ako kay Uncle Samuel. Natuklasan ko na ipinamamahala na pala niya ang mga korporasyon sa mga taong pinagkakatiwalaan niya. Babalik na raw siya sa Amerika. Noon din ay lumuhod ako at nakiusap na isama ni Uncle Sam sa Amerika. Nadelay ang pag-alis niya. Inayos pa kasi niya ang mga papeles ko. Oo inampon ako ni Uncle Samuel.

Pagdating sa Amerika ay naging napakasaya ko. Ang ganda nang aming bahay, hindi tulad ng bahay namin ni Ina na barong-barong. Kayganda rin ng kapaligiran, hindi tulad sa pinanggalingan ko na marumi. Maluwag din si Uncle Samuel, pwede kong gawin ang lahat ng gusto ko. Pwede kong subukan ang lahat ng bagay kahit na ito ay immoral pa. Kahit na mag-uwi ako ng babae, walang problema kay Uncle Samuel. Hindi kagaya ni Ina na lagi akong pinagbabawalan. Para bang konserbatibo siya na bastusin.

At hindi lamang pala ako ang naunang inampon ni Uncle Sam na anak ni Ina; marami pala kami. Kaya pala biglang nangawala ang mga kapatid ko ay napunta pala sa iba’t-ibang bansa. Kaya pala lima na lang ang natira sa piling ni Ina. Ang iba raw na wala sa Amerika ay nasa bansa sa silangan.

Pero kahit saan ako tumingin, ang gagaling nga mga kapatid ko. Talentado,kahit saang larangan. May kapatid akong singer, may imbentor, mayroon ding mga artista; kahit saan naroon ay nagpapakita nang gilas ang mga kapatid ko.Pero hindi kami nagpapansinan, para kaming hindi magkakapatid. Minsan ay naghihilahan pa kami. Para bang bawat isa sa amin gusto ay siya ang numero uno. Hindi naman lahat mayroon din akong kapatid na mababait, nagpapadala nga raw sila ng pera para kay Ina.

Pinag-aral ako ni Uncle Sam, naging Scientist ako, marami akong naimbento na talagang ikinatuwa ni Uncle Samuel. Napagpala ko ang bansang Amerika dahil sa aking kakayahan.

Humiwalay na nga pala ako ng bahay kay Uncle Sam. Sa Amerika pala kasi ay dapat mga independente; ang isang kabataang 18 taong gulang pataas ay dapat bumukod ng bahay at magsarili .

Dahil sa dami ng perang hinahawakan ko bilang Scientist ay nagpakagumon ako sa iba’t-ibang bisyo. Sigarilyo, alak na masasarap, naggagandahang putatsing. Natutunan ko ring mag-casino. Pamaya-maya ay napagtatalo na ako sa sugal, hanggang sa naibenta ko ang bahay at lupa ko. Umuwi ako kay Uncle Sam, subalit sinabi niya sa akin na hindi ako pwedeng makipisan sa kaniya; dapat daw akong tumayo sa sarili kong paa.

Laglag ang mga balikat ko na naghanap ng apartment. Mabuti na lang at may natira pa akong pera. Minsan, ay nasugatan ako sa aking mga daliri sa paa. Nagtaka ako, bakit parang hindi na gumagaling ito. Parang bumabaho ang amoy nito kaya ako ay pumunta sa doctor. Isa na pala iyong gangrene, may diabetes pala ako at pinutol ang kanan kong paa.

Ngunit hindi pa rin ako nagbago, nang dahil sa aking mga bisyo ay naapektuhan ang pagtatrabaho ko at ako ay na-lay-off. Heto ako ngayon isang taong putol ang kanang paa at isa ring homeless. Naranasan ko na makipila na lamang sa rasyon. Naranasan ko na umasa sa Gobyerno dahil sa aking disabilidad.

Minsan ay naalala ko si Ina, ang kaniyang kaaya-ayang mukha. Naging para akong bata na sabik na makita si Ina. Ang Ina na aking sinaktan, ikinahiya, inalimura. Matatanggap kaya ako ni Ina, ngayong ganito na ang aking kalagayan.

Inisip ko na kung mamamatay ako ay gusto ko sa piling ni Ina.

Lakas-loob akong lumapit kay Uncle Sam. Nakiusap ako na ibili ako ng plane tiket patungo kay Ina. Sinabi ko na rin na doon ko na hihintayin ang aking kamatayan. Parang isang asong bulldog si Uncle Sam, galit na galit siya sa akin. Ipinaalala niya ang mga bagay na sinayang ko. Ngunit, ibinili pa rin niya ako ng tiket.

Nag-email ako sa isa kong kapatid para sabihin kay Ina na ako ay uuwi. Sinabi ko na rin na sana ay sunduin ako sa Airport.

At bumaba na nga ang aking eroplano sa NAIA. Naglakad ako nang nakasaklay. Nanlalabo na rin ang aking mga mata, dahil sa pagod sa biyahe. Kakaba-kaba ang dibdib ko dahil hindi ko alam kung tatanggapin pa ako ni Ina. Nakita ko ang maraming tao na naghihintay sa kanilang mga kaanak. Iginala ko ang aking paningin; pamaya-maya ay nasapul ng aking mga mata ang isang babae. Si Ina, sinundo niya ako. Nagyakapan kami nang matagal, para akong bata na sumubsob sa kaniyang dibdib at umiyak nang umiyak.

Narito na ako ngayon sa piling ni Ina. Salamat sa kaniyang pagmamahal. Dito ko natuklasan na walang sasarap kaysa sa sariling bayan. Pinakamasaya sa piling nang ating Ina. Kahit pala ako ay nakaranas ng iba’t-ibang saya sa ibang bayan ay hahanapin ko pa rin ang pagkandili ni Ina.

Ako nga pala si Pilipino at ang aking Ina ay si Pilipinas

Incoming search terms:

  • article para kay ina
  • GALING AMERIKA SI UNCLE IYUTAN KAMI
  • mahal ko si inay
  • sa piling ni ina
  • sabik si ina
  • Sabik si inay
  • si ina
  • sini si ina?
  • www ina pinag nasaan
4 comments
AdoboChannel
AdoboChannel like.author.displayName 1 Like

One time may nakilala akong isang mag asawa dito sa US na parang ayaw at ikinakahiya nilang Filipino sila. Yung mga anak ay ayaw pagsalitain ng Tagalog at ayaw na ayaw pag usapang ang Pilipinas o anumang topic na related sa pagiging Pinoy. Inis na inis ako! Gusto ko nang batukan. Ayaw maging Pinoy eh kulay lumpiang pinirito naman. Sa loob loob ko lang kahit anong gawin mo-----hindi mo pa rin maikakatwa na Filipino ka. Kahit buhusan mo ng clorox buo mong katawan at pumuti ka nga ----sa loob ng katawan mo Pinoyka pa rin kasi ang pagiging Pinoy ay Skin Deep.

About the author

Rachel Batican-Astrero is a loving wife and a full time Mommy of her two- year- old baby boy.She is a graduate of AB theology in Northen Luzon Adventist College. She has no formal education as far as writing is concern, but her only objective in writing is to inspire people, to give some informations and   to impart lessons in life. She is currently living with her family in California, USA.

Malaking kaligayahan ko na po na makita na inyong binasa ang aking akda, napapangiti po ako kapag ito ay inyong ni-like. Naiiyak po ako sa tuwa kapag ito naman ay inyong i-share. Nakalulugod rin pong basahin ang inyong mga komento. Inspirasyon ko po kayo. Pagpalain po kayo ng Poong Maykapal!

Pwede ninyo akong i-add sa facebook, hanapin lamang po si rachel batican-astrero

Join Our Mailing List
Like Us on Facebook
happy nurses week