/ ang bagong media ng digital na filipino

Gusto n'yo po bang malathala ang inyong akda sa AdoboChannel? Send n'yo lang po sa info@adobochannel.com o i-submit dito. Click Here to Submit

Phone Sex

sex over the phone 

Shelley, nahumaling pala sa sex on phone ang kapatid mo!” Iyan ang sinabi sa akin ng isa kong kaibigan na nasa Saudi Arabia.

Anong nahumaling, ipaliwanag mo nga” sagot ko naman. Nagcha-chat kami noon.

Ganito kasi iyan, siempre kalaban namin dito ang homesickness. Ngayon, may mga babae na handang magpaligaya sa mga lalaki sa pamamagitan ng phone sex. Maraming nahuhulog sa kanila. Kasi naman, masyadong vulnerable, lalo na ang isang lalaki na halos mabaliw na sa kalungkutan. Ang problema, siempre sila ang naglo-load sa babae at minsan naglalambing na rin ang babae at humihingi na rin ng pera.”

Parang puputok ang ulo ko sa galit. Kaya pala!

Katatapos ko lamang sa kolehiyo nang pumunta sa Saudi si Kuya Delfin. May asawa na siya noon at tatlong anak. Inihatid ko pa siya sa airport, damang-dama ko ang bigat ng kaniyang kalooban. Alam ko, na ayaw niyang umalis, ngunit hindi sapat ang kaniyang kinikita bilang supervisor sa isang pabrika.

Nang mga unang buwan ay maayos naman siyang nagpapadala, hanggang sa dumalang ito nang dumalang. Hindi na rin siya masyadong tumatawag sa kaniyang pamilya. Noong una hindi pa ako naniniwala, pinaghihinalaan ko pa ang hipag ko. Baka ayaw lamang sabihin sa amin ang tungkol sa ipinadadala ni kuya. Baka kako akala hihingi kami. Pero nang nakita ko na talagang naghihikahos na sila. Tumatanggap na nga siya ng labada at huminto sa pag-aaral ang kanilang panganay na anak ay naniwala na nga ako.

Hanggang sa halos mga magulang ko na ang tumutustos sa pangangailangan ng kaniyang pamilya. Nakaramdam ako ng takot, marami kasing balita sa Saudi tungkol sa mga inaabusong mangagawang pinoy. Natatakot ako baka isa na sa kanila si Kuya; dahil mabait at responsible naman siya.

Kaya naman gumawa ako ng sarili kong pananaliksik. Nakipag-ugnayan ako sa mga dating kakilala at kaibigan; nakiusap ako na alamin ang kalagayan ni Kuya. Kaya heto nga, nagkausap kami ni Willie. Si Willie ay dati kong kamag-aral sa hayskul. Nagkataon na magkasama pala sila ni kuya; sa kompanyang pinapasukan at magkasama rin sila sa baraks. Siya ang nagsabi sa akin nang tungkol sa kinahuhumalingan ni Kuya.

Sino naman at saan naman nakilala ang malanding hitad na babaeng iyon” nanggigigil na sagot ko

Ipinakilala ng isa pa naming kasamahan” sagot ni Willie

Ang totoo nabiktima na rin ako dati, salamat na lang at natauhan ako” patuloy nito

Natapos ang aming pag-uusap . Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kay Kuya. Galit na galit ako. Bakit ganoon, nagawa ni Kuya na ibigay ang perang pinagpapaguran sa babaeng hindi naman niya kilala. Nang dahil lang sa malanding ungol ay naroon ngayon ang pamilya ni Kuya at naghihirap.

Alam kong mali ang ginagawa ni Kuya, subalit hindi ko alam kung paano siya makalalaya sa kahumalingang iyon. Sana naman, sa mga babae diyan na ganoon ang gawain; maawa naman kayo. Huwag ninyo sanang samantalahin ang kahinaan ng isang tao. Maawa kayo sa pamilya ni Kuya.

Sana makalaya na si Kuya sa kahumalingang iyon. 

Incoming search terms:

  • hipag ko
  • si hipag malandi
  • pangangailangan ng hipag
  • mga pinoy na lalaki sa saudi arabia
  • mga kwentong seks
  • mga kwento ng pagtatalik
  • malandi si hipag
  • kwentong pakikipagtalik
  • kwentong hipag
  • kahinaan ni hipag
2 comments

About the author

Rachel Batican-Astrero

 

Rachel Batican-Astrero is a loving wife and a full time Mommy of her two- year- old baby boy.She is a graduate of AB theology in Northen Luzon Adventist College. She has no formal education as far as writing is concern, but her only objective in writing is to inspire people, to give some informations and   to impart lessons in life. She is currently living with her family in California, USA.

Malaking kaligayahan ko na po na makita na inyong binasa ang aking akda, napapangiti po ako kapag ito ay inyong ni-like. Naiiyak po ako sa tuwa kapag ito naman ay inyong i-share. Nakalulugod rin pong basahin ang inyong mga komento. Inspirasyon ko po kayo. Pagpalain po kayo ng Poong Maykapal!

Pwede ninyo akong i-add sa facebook, hanapin lamang po si rachel batican-astrero

Join Our Mailing List
Like Us on Facebook
happy nurses week