Gusto n'yo po bang malathala ang inyong akda sa AdoboChannel? Send n'yo lang po sa info@adobochannel.com o i-submit dito. Click Here to Submit


Gusto n'yo po bang malathala ang inyong akda sa AdoboChannel? Send n'yo lang po sa info@adobochannel.com o i-submit dito. Click Here to Submit
Home » Kwentong OFW » Payo Para sa mga OFW
Una sa lahat, mga kababayan binabati ko kayo at ipinaaalam ko na rin sa inyo na ako ay humahanga sa inyong katatagan.
Hindi biro ang makipag-sapalaran sa ibang bansa. Wala ring makatataros sa hirap ng loob na iyong tinitiis dahil sa pagkakawalay n’yo sa inyong mahal sa buhay. Nasaan mang panig kayo ng mundo ako ay nagdarasal para sa inyong kaligtasan.
Mayroon lamang sana akong ilang payo na gusto kong ibigay sa inyo; na sana ay huwag ninyong masamain. Isa lamang akong aba na nagmamalasakit. Marami na kasi akong nakita na kapwa natin Pinoy na halos kalahati ng buhay ay ginugol sa ibang bansa; pero mahirap pa rin ang kinahinatnan. Hindi ko sila sinisisi o hinuhusgahan dahil hindi ko naman alam ang kanilang pinagdaanan. Ngayon hinahangad ko na lahat ng OFW ay umunlad at masulit sana ang kanilang mga sakripisyo. Kaya nga po ang inyong abang lingkod, pilit po kayong inaabot sa pamamagitan ng aking panitik. Narito po ang ilan sa mga bagay na nais kong ipabatid sa inyo.
Una, Kung maari po sana, sa inyong pagpunta sa dayuhang bansa ay lagi ninyong isa-isip ang inyong goal o iyon po bang nais ninyong kahinatnan. Ano po ba ang dahilan at iniwan ninyo ang inyong pamilya? Kaya ninyo po bang mapalayo sa kanila? Kung kayo po ay may-asawa makatitiis ba kayo na walang sex; hanggat hindi tapos ang inyong kontrata?Ano po ba ang pangarap ninyo? Nais nyo ba na mapag-aral ang mga anak ninyo o makapagtayo ng sariling negosyo? Nasasa-inyo na po iyan. Isa-isahin ninyo ang inyong goals at pilitin ninyo na maabot ito.
Pangalawa, huwag pong mangaliwa. Tandaan nagdadala ng kamalasan ang pangangaliwa. Hindi ninyo naman po siguro goal na masira ang inyong pamilya. I-uugnay ko na rin po sana na huwag na kayong makipag-kaibigan sa mga masasamang impluwensiya.
Ang iba kasi diyan, alam naman na may-asawa na kayo; bibigyan pa kayo ng ka-phone pal na babae. Pwede rin daw na ka- phone sex. Huwag na po kayong ma-involve sa ganoon. Pampasira lang po iyan ng pangarap at iyan din po ang maaring sumira sa inyong pamilya. Kung sakali naman na pilit kayong hinahabol ng tukso, tandaan ninyo na lagi ninyong hawak ang inyong pagpapasya. Hindi kayo mapipilit ng tukso kung ayaw talaga ninyo.
Pangatlo po, maganda po na mag-ipon kayo. Huwag ninyong ipadala lahat sa Pilipinas ang inyong pera. Maging matalino sa pag-gamit ng perang pinagpaguran. Alalahanin ninyo na dugo at pawis ang inyong pinuhunan. Laging isipin na kapag “may isinuksok, may madudukot.”Huwag din po sana kayong magsusugal. Nabalitaan ko po kasi na past- time daw ng OFW ang sugal.
Pang-apat, maging tapat o honest sa pagtatrabaho. Kungsabagay hindi raw talaga mapintasan ang manggagawang pinoy pagdating sa paggawa; ipagpatuloy nyo po iyan.
Panglima, huwag magpaloko. Marami na po kasi ngayon na nanloloko sa mga OFW. Iyon bang mga scammer, sasabihin sa inyo na mag-invest sa isang bagay, iyon pala hoax iyon. Mayroon din na nag-papanggap na kapamilya ninyo at humihingi ng pera. Maging matalinong gaya ng ahas ‘ika nga sa bibliya.
Pang-anim, Kung sakali na kayo ay magbabakasyon sa Pilipinas ay huwag naman po sanang parang One-Day –Millionaire, alam ninyo na po ang ibig kong sabihin. Tandaan na bawat sentimo ay dugo at pawis ang katumbas. Baka mamaya, isang uwi lang ubos ang 30 mil, pagbalik sa ibang bansa may utang pa.
Pangpito, Matutong magsabi ng hindi. Darating ang panahon na maraming manghihingi sa inyo.Para sa liga sa Baranggay, utang dito, utang doon. Hindi ko naman po sinasabi na maging maramot. Tandaan ninyo na matuto kayong magsabi ng hindi, isipin ninyo na prayoridad ninyo ang inyong pamilya.
Pangwalo, matutong sumunod sa mga batas, alituntunin at kultura kung saang bansa kayo naroon. Nasa Middle East ka ba? sumunod sa tamang pananamit. Kung ikaw ay isang Domestic Helper, ugaliin na itago ang iyong katawan pati mukha kung kailangan; para iwas manyakis. Igalang ang kanilang kultura at tradisyon, huwag maging pasaway.
Pangsiyam, maging maingat, trust your instinct, kapag kinakabahan kayo huwag gawin ang isang bagay at huwag puntahan ang lugar na delikado. Pangsampu, para malabanan ang homesickness, umisip ng mga makabuluhang gawain. Gaya ng pagsusulat, paggagantsilyo, knitting, pagbabasa. Ugaliin din po na magdasal o kung kaya naman, kung may pinoy group na nagwo-worrship diyan; makisimba na rin kayo para sa inyong ispiritwalidad.
Ilan lamang po ito sa aking mga payo, hinahangad ko po ang inyong tagumpay. Pagpalain po kayo ng Maykapal!
Rachel Batican-Astrero is a loving wife and a full time Mommy of her two- year- old baby boy.She is a graduate of AB theology in Northen Luzon Adventist College. She has no formal education as far as writing is concern, but her only objective in writing is to inspire people, to give some informations and to impart lessons in life. She is currently living with her family in California, USA.
“Malaking kaligayahan ko na po na makita na inyong binasa ang aking akda, napapangiti po ako kapag ito ay inyong ni-like. Naiiyak po ako sa tuwa kapag ito naman ay inyong i-share. Nakalulugod rin pong basahin ang inyong mga komento. Inspirasyon ko po kayo. Pagpalain po kayo ng Poong Maykapal!
Pwede ninyo akong i-add sa facebook, hanapin lamang po si rachel batican-astrero
