Gusto n'yo po bang malathala ang inyong akda sa AdoboChannel? Send n'yo lang po sa [email protected] o i-submit dito. Click Here to Submit

Tamang Pangangalaga sa Ating Mga Mata (Eye Care)

alagaan ang mata

Sinasabing ang ating mga mata ang salamin ng ating kaluluwa. Makikita nga naman dito kung ano ang ating mga nararamdaman. Marami ring mga binata ang nakapagsabi sa akin na ang una nilang kinaaakitan sa isang babae ay ang mga mata.

Ang mga mata rin ang isa sa pinakamahalagang parte ng katawan ng isang tao.Nito lamang nakaraang buwan ay nagpatingin ako ng aking mga mata sa manggagamot. Ang nakababahala ay hindi lamang ako ang naroon. Ang totoo ay napakarami naming nakapila, may babae, lalaki, bata at matatanda. Lahat kami ay may kani-kaniyang suliranin sa aming mga mata.

Naisipan ko tuloy gumawa ng blog ukol dito. Salamat sa Diyos at hindi naman pala permanente ang aking karamdaman sa mata. Nais ko pong ibahagi sa inyo ang ilang payo upang maiwasan natin ang mga sakit sa mata at mamantine na rin natin ang linaw nito.

  1. Ugaliin po natin ang pagkain ng mga dilaw na gulay at prutas- kailangan po ng ating katawan ang mga gulay at prutas. Ngunit partikular po na kailangan ng ating mga mata ang mga prutas at gulay na madidilaw; dahil ang mga ito ay may taglay na Vitamin A at Vitamin C. Ilan sa mga gulay na ito ang kalabasa at carrots. Sa mga prutas naman ay ang atiesa, papaya at siempre ang mga citrus.
  1. Pag-iingat sa Nakapipinsalang kemikal- Maari po na makasama sa ating mga mata ang matatapang na kemikal. Ilan sa mga kemikal na ito ay ginagamit natin sa paglilinis ng ating Bathrooms. Bago gamitin ang isang kemikal ay basahin muna ang babala rito. Nakalagay po kasi dito kung ito ay masama sa ilong at sa mata. Kung hindi po talaga natin maiwasan ang pag-gamit nati ay makabubuti na tayo ay magsuot ng eye goggles o ng anumang bagay na maaring maging proteksiyon nito.
  1. Pagod na mga mata- Hindi ko po alam kung kayo ay maniniwala, subalit sang-ayon sa mga matatanda ay nakasasama raw po sa mga mata kapag kayo ay naghilamos o naligo habang pagod ang mga ito. Ipinapayo rin po nila na huwag maghilamos kaagad kapag bagong-gising. Ang opinyon ko po dito ay hati. Noong pumunta po kasi ako sa doctor ay natuklasan na ako po pala ay mayroong severe conjunctivitis. Mismong ang doktor po ang nagsabi sa akin na naliligo at naghihilamos daw po kasi ako kapag ako ay puyat. Naalala ko na kahit puyat ako at antok na antok ay naliligo pa rin ako. Ganito po, makinig po tayo sa ating katawan, kung sakaling sa pakiramdam natin ay nakasasama sa atin ang ilang gawain ay makabubuti na itigil natin ito. Maari naman po na bago maligo o maghilamos ay mamahinga muna para makapahinga rin ang ating mga mata.
  1. Iwasan ang Matagal na Panonood ng TV at pagko-computer- Maari po kasi na makaranas ng pagkatuyo ang ating mga mata kapag matagla tayong nasa harap ng computer at TV screen. Maari din pong mapagod ang mga muscle ng mata. Pinakamabuti po na tuwing ikalabin-limang minute ay ipahinga ang mga mata o kung kaya ay tumingin sa mga halamanan o sa asul na kalangitan.
  1. Sikaping Magsuot ng Salaming-de kulay- Mas maganda kung ito ay iyong salamin na may label na UV protection. Ang uri ng salamin na iyon po kasi ay sumasala sa Ultra Violet na nanggagaling sa araw. Nakasasama po kasi sa mga mata ang init ng araw. Nagiging dahilan ito ng panlalabo at pagkakaroon ng iba pang karamdaman. Iwasan ang pagbibilad sa araw. Gumamit ng payong o sombrero.
  1. Huwag magbasa sa Dilim- Hindi naman po talaga nakasasama sa mga mata ang pagbabasa sa madidilim na lugar. Subalit ito naman po ay nagiging dahilan ng pagka- pwersa ng mga mata. Kaya karaniwan sa mga nagbabasa sa dilim ay sumasakit ang ulo at nagreresulta sa parang nananakit na mga mata.
  1. Huwag gumamit ng Matatapang na Sabon- Maari pong makasama sa ating mga mata ang matatapang na sabon o ang iba pang pampakinis ng balat sa mukha. Tandaan na basahin pong mabuti ang label ng sabon o ng mga pamahid sa mukha gaya ng toner o astringent. Tingnan kung ito ay may babala ukol sa mga mata. Ingatan po ang pag-gamit ng mga ito.
  1. Ugaliin ang Ehersisyo sa mga Mata- Napakahalaga po na ang ating mga mata ay ma-ehersisyo. Ang pagkurap(blink) po ang itinuturing na ehersisyo ng mga mata. Pinananatili nito ang pagiging basa nito. Isa rin pong ehersiyo sa mga mata ang pagtingin sa magagandang tanawin. Isang pananaliksik nga po ang nagsabi na ang mga tao na nakatira sa kabundukan ang may pinakamalinaw na mga mata sa kabila ng kanilang katandaan. Dahil daw po ito sa magagandang tanawin na kanilang nakikita sa kanilang kapaligiran. Maari din na bago matulog ay bahagyang masahihin ang paligid ng mga mata.
  1. Kumunsulta agad sa manggagamot kapag nakaramdam kayo ng kakaiba sa inyong mga mata. Bigyan ng pansin kung ito ay nanlalabo, namumula, sumasakit at nagkakaproblema kayo sa inyong pagtingin. Maganda po na maagang maipasuri ito upang magawan ng aksyon kung kayo man ay may problema. Ilan sa mga sakit sa mata ang maga sumusunod: katarata, kwashiorkor, glaucoma, conjunctivitis, sore eyes at iba pa.
  1. Sikapin ang Pagkakaroon ng Malusog na Pangangatawan- Tandaan po na ang ating mga mata ay bahagi ng ating katawan. Kung tayo po ay maysakit ay maari din po itong maapektuhan. Lagi po nating ingatan ang ating kalusugan. Tandaan: Ang Kalusugan ay Kayamanan.

Incoming search terms:

  • pangangalaga sa mata
  • paano alagaan ang mata
  • ang mga paraan sa tamang pangangalaga ng mata
  • wastong pangangalaga sa mata
  • paano maalagaan ang mata
  • ano ang tamang pangangalaga sa mata
  • pangangalaga ng mata
  • Pangangalaga sa Sarili sa mata
  • pano alagaan ang mata
  • Pano ba alagaan ang atin mga mata
0 comments

About the author

Rachel Batican-Astrero

 

Rachel Batican-Astrero is a loving wife and a full time Mommy of her two- year- old baby boy.She is a graduate of AB theology in Northen Luzon Adventist College. She has no formal education as far as writing is concern, but her only objective in writing is to inspire people, to give some informations and   to impart lessons in life. She is currently living with her family in California, USA.

Malaking kaligayahan ko na po na makita na inyong binasa ang aking akda, napapangiti po ako kapag ito ay inyong ni-like. Naiiyak po ako sa tuwa kapag ito naman ay inyong i-share. Nakalulugod rin pong basahin ang inyong mga komento. Inspirasyon ko po kayo. Pagpalain po kayo ng Poong Maykapal!

Pwede ninyo akong i-add sa facebook, hanapin lamang po si rachel batican-astrero

Join Our Mailing List
Like Us on Facebook