/ ang bagong media ng digital na filipino

Gusto n'yo po bang malathala ang inyong akda sa AdoboChannel? Send n'yo lang po sa [email protected] o i-submit dito. Click Here to Submit

Pag Maputi Nga Ba Mas Maganda Talaga?

 fair complexion

Ako si Nina. Ipinanganak akong mukhang Ita dahil sa kulay kong maitim,

kulot-kulot na buhok at may kakapalang mga labi. Mabuti na lang ang

ilong ko ay hindi sarat. Kung nagkataon, certified Aeta na nga ako

talaga, at malamang nagtaka ang aking ama.

Noong ako ay bata pa, sikat iyong karakter sa komiks na si Nog-Nog.

Naisapelikula ang kuwentong ito noong 1981 na si Niño Muhlach ang

gumanap. Ito ang naging bansag sa akin habang ako’y lumalaki kasi

female version talaga ako ng Nog-Nog character na iyon.

Hindi ko na maalala kung iniyakan ko ba ang bansag na iyon sa akin.

Basta ang alam ko, marami ang natutuwa sa akin sa itsura kong iyon.

Cute nga daw ako eh. Hehehe. Kaya hindi naman nakalulungkot na lumaki

akong Nog-Nog ang tawag sa akin.

Hanggang sa ako’y nagdalaga, ang kulay kong maitim ay aking dala-dala.

Sa tuwing may mauusong karakter na negra, mula kay Maruja, Ula at

Kirara, asahan mong magiging nickname ko rin ang mga iyon.

Hanggang sa dumating ang advent ng mga whitening soap, whitening

cream, whitening lotion at kung anu-ano pang mga cosmetics at gamot na

nakapagpapaputi raw.

Yung iba effective pero may kamahalan naman.

Meron ding cheap pero mangangailangan ka ng sandamakmak na gagamitin

bago ka pumuti. At siyempre, hindi naman ako nagpahuli ano. Mega-bili

rin ako ng mga produktong ito at umaasang isang araw ay makikita ko na

lang ang repleksiyon ko sa salamin na maputi na ako at masasabing

maganda.

Pero ito na talaga ang kulay ko. Kayumangging kaligatan o pinagandang

katawagan lang sa maitim ang kulay. Kahit anong effort kong pumuti,

wala pa ring nangyari kaya hinayaan ko na lang kesa naman gumasta pa

ako ng maraming pera sa mga sabon, lotion or cream na yan.

Ang mga tao talaga, sadya lang magulo ang isip.

Ang mga dark complexioned, gustong pumuti. Samantalang ang mga mapuputi naman ay

hindi malaman ang gagawing pagbibilad sa araw para maging tanned ang

kulay nila.

Pamantayan nga ba talaga ang pagiging maputi para matawag na maganda o

guwapo ang isang tao? Lalong-lalo na sa mga babae, mas maganda nga ba

talaga ang mapuputi?

Para sa akin, hindi sa kulay nasusukat ang kagandahan ng isang tao.

Hindi komo ikaw ay maputi eh ikaw na ang maganda at nakaaangat. At

hindi ko ito sinasabi dahil sa ako ay maitim. At hindi naman porke’t

maitim ang isang tao ay pangit na ito.

Ang tunay na kagandahan ng isang nilalang ay makikita sa kalooban

nito. Sabi nga nila, beauty is only skin deep. Maputi ka nga pero

hindi naman kagandahan ang ugali mo, wala ring kuwenta ‘di ba?

Lahat ng tao, maputi man o maitim ay matatawag na maganda kung may

taglay siyang katangian katulad ng pagiging magalang, pagkakaroon ng

busilak na kalooban, may takot sa Diyos, at naisasagawa ang

kagandahang-asal sa isip, sa salita at sa gawa.

Maputi ka man, guwapo at maganda, kung kulang ka naman sa

pakikipagkapwa-tao, hindi ka pa rin matatawag na maganda. Dahil ang

tunay na kagandahan ay hindi makikita lamang sa panlabas at pisikal na

kaanyuan ng isang tao. Yung nasa kalooban ang pinakamahalaga sa lahat.

Yung kabutihang-loob at kabaitan ang tunay na sukatan ng kagandahan.

Lahat tayo ay nilikha ng Diyos at pantay-pantay lang tayo. No one is

superior or inferior in His eyes. At walang nilalang ang Diyos na

pangit. All of us were created by God according to His image and

likeness.

Therefore, kung gusto nating matawag na maganda, hindi na natin

kailangan ng mga Belo o Calayan na ‘yan. Hindi na rin natin kailangang

gumastos sa mga whitening products na iyan.

Panatilihin lang nating maganda at busilak ang ating kalooban, maging

matulungin at maunawain sa kapuwa, mag-praktis ng good manners and

right conduct, at higit sa lahat, maging palangiti at magkaroon ng

maaliwalas na mukha. Tiyak, ikaw na ang pinakamagandang nilalang sa

balat ng lupa.

Incoming search terms:

  • paano maging maganda
  • paano maging maputi
  • paano ba maging maganda
  • paano maging maganda yung mukha
  • paano maging maputi ang balat
  • paano ba maging maputi
  • Paano maging maganda?
  • paano ba maging maganda yung mukha
  • maputi lang maganda na
  • paano ka magiging maganda
4 comments
Abner San Juan
Abner San Juan

Nilalang tayo ng Diyos na kawangis niya kaya pogi ako at maganda ka. :-)

Monette Samgco Dioquino
Monette Samgco Dioquino

Tama. Wala sa panlabas at pisikal na anyo ang tunay na kagandahan. Sa ugali ng tao ito makikita. :)

AdoboChannel
AdoboChannel

Tama ka dyan Rachel wala naman talagang pangit sa mundong ito.tayo ay nilikha ng panginoon na lahat maganda at unique na anyo. Perception lang naman ng tao lahat yan. Isang perception na nakuha lang naman natin sa showbiz. Kaya kala natin dapat maganda kung kamukha o kakulay ka nI Marriane Rivera. Mali lang talaga ang pagkakaintindi ng karamihan sa usapin ng ganda.

Rachel Batican-Astrero
Rachel Batican-Astrero

Para sa akin ay hindi. Maputi nga tadtad naman ng peklat at pekas, maputi nga masama naman ang ugali, maputi nga mabantot naman. Ang tunay na ganda kasi ay wala sa kulay. Ang tunay na ganda ay makikita sa panlabas at panloob na katangian; hindi kulay lang ang basehan.

About the author

Monette Dioquino Calugay

A budding writer who wants to share my candid musings.

Join Our Mailing List
Like Us on Facebook
happy nurses week