Gusto n'yo po bang malathala ang inyong akda sa AdoboChannel? Send n'yo lang po sa [email protected] o i-submit dito. Click Here to Submit

Paano Maeenganyo ang mga Pilipino Magbasa ng mga Librong Pinoy?

read filipino books

Bilangin mo ilang libro na ang nabasa mo.

Ilan dito ang natatandaan mo pa ang nilalaman? Ilan dito ang sinulat ng isang manunulat na Pinoy? Kahit ako aminado na iilan palang ang nababasa kong librong Pilipino ang may akda. Ano ba ang mga bagay na kinokonsidera natin sa pagpili ng babasahing libro? Kung eto ba ay nirekomenda ng kaibigan? Pinabook review sayo ng guro mo? Maganda ang review sa Goodreads? O nasa Top 10 Bestsellers ng kilalang bookstore? Madaming mga factors ang nakakaimpluwensya sa atin para pumili ng isang libro pero ano ba talaga ang pinaka-nakakaenganyo sa atin para basahin ang isang libro?

Isang talakayan ukol sa usaping eto an aming nasimulan sa isang forum at madaming ideya ang natalakay kung papaano natin mahihikayat ang mga Pilipino na magbasa ng mga librong Pinoy ang may akda. Isa sa aking mga namungkahi ay ang pagSENSATIONALIZE ng mga libro. Alam ko na madaming hindi sasang ayon dito pero eto ang aking rason kung bakit ko to naisip. Tingnan niyo pag may isang libro na naging Oprah’s choice tiyak patok to. Tiyak madaming bestseller yan.

Sa ibang bansa ang libro ay parang isang “rakstar “kung ituring. Pinagkakaguluhan, pinipilahan at talagang pinpromote ng matindi. Kelan tayo huling nakakita ng librong Pinoy na nafeature sa ating mga pahayagan? Yung librong Fifty Shades series sa aminin man natin o hindi isa sa mga rason kung bakit sobrang madaming tao na nagcurious basahin to dahil sa mga tweets ni Anne Curtis. Pakiramdam ng mga tao na pag nabasa nila to eh “in” nadin sila. Eto ang nagagawa ng pagSENSATIONALIZE sa isang libro.

Isa din sa aking mga naisip eh ang pag gawa pa ng mas maraming MOVIE ADAPTATIONS ng librong Pinoy. Dahil alam naman natin na madaming naccurious pag ito ay ginagawang pelikula at nakakadagdag to sa publicity nung libro. Alam ko na alam nan g karamihan sa atin ang benepisyo ng pagbabasa ng libro. Hindi na to kelangan ipagdiinan pa.

Wala din namang masama sa pagbabasa ng mga librong banyaga pero sana wag din nating kalimutan ang mga librong sulat ng mga kababayan natin. Paano mahihikayat ang mga kabataan natin na maging isang manunulat baling araw kung hindi nila ramdam na ang suporta natin sa panitikang Pilipino? Sabi ko sa sarili ko na dadagdagan ko pa ang mga nabasa kong librong Pinoy. At sana manumbalik na din ang pagtangkilik natin sa mga librong sariling atin tulad nung panahon ng Liwayway Magazine .

Incoming search terms:

  • paano mahihikayat magbasa ang mga bata
  • paano mo mahihikayat magbasa ang sarili mo at ang ibang tao
  • paanomahihikayat ang mga kabataan na mag basa ng akda ng panitikan
  • poster kung paano mahihikayat ang kabataang basahin ang akdang pilipino
  • posters na makakahikayat sa mga kabataan na bumasa ng mga alamat
4 comments
AdoboChannel
AdoboChannel

Salamat po Mz-Lonely Jho, paki share na lang po site natin para mas maraming pang pinoy ang mag enkoy nito.

Abner San Juan
Abner San Juan like.author.displayName 1 Like

Marami naman pong mahuhusay na Pinoy authors. Kulang lang marahil sa tamang marketing. Kahit na po anong ganda at husay ng isang produkto kung hindi naman ito maipapaabot sa kaalaman ng mga tao ay hindi ito mabibili.

Isang matinding marketing strategy ang kailangan. Sang-ayon po ako sa sinabi nyong i-sensationalize ang isang akda para maka-generate ng curiosity sa mga tao lalo na doon sa target market.

Maari po ba kayo magbigay ng "Tips" kung paano maging mahusay na manunulat?

SarahRodriguez
SarahRodriguez

@Abner San Juan salamat po sa inyong pagbasa sa sinulat ko.. :) Susubukan ko pong magsulat ng mga tips na yan bagamat hindi ko pa nakikita ung sarili ko na ganun kagaling na manunulat. Sana po patuloy niyong tangkilikin ang Adobo Channel :)

ememalberts
ememalberts like.author.displayName 1 Like

tama po kayo, tamang marketing lang ang kailangan. isa rin pong factor ang media dahil sa tingin ko masyado nang "westernized" and media natin kaya ang tendency, filipinos patronize foreign books

About the author

Sarah Rodriguez

Join Our Mailing List
Like Us on Facebook