/ ang bagong media ng digital na filipino

Gusto n'yo po bang malathala ang inyong akda sa AdoboChannel? Send n'yo lang po sa [email protected] o i-submit dito. Click Here to Submit

“Negosyo o Abroad?” (Part 1)

should i go abroad or start a business?

Malakas ang pang-akit ng salitang abroad sa maraming tao na karaniwang nasa average o below average income ang financial status.  Nagagamit na nga ito sa mind-setting ng mga kabataang nag-aaral.  May isa nga akong naringgan ng ganitong kuwentong joke.

Kapag Chinese daw ang magulang, ang sinasabi sa anak, “Anak, ikaw aral  mabuti ha.  Para paglaki mo, tayo ka negosyo!”

Kapag pinoy daw ang magulang, ito naman ang sinasabi:  “Anak, mag-aral ka nang mabuti ha.  Para pag nakagraduate ka na, makapag-abroad ka!”

Wehhh! 

Pero on second thought, mukha ngang totoo na ito.  Sa ilang taon kasi ay napakadalas kong marinig yung:

 “Ang kunin mong kurso ay blah-blah…para madali kang maka-abroad!”

 “In demand ‘yung may skills sa blah-blah; maraming opening sa overseas.”

“Sa pag-a-abroad lang  mabilis ang pag-asenso, kaya pagka-graduate mo, apply ka kaagad sa agency!”

 

Kung magsusurvey siguro sa isang barangay, baka sa average at above average income na bracket na families ay lalabas ang 5-7 out of 10 families ay may OFW sa pamilya.  Dito lang sa street ng subdivision namin, pansin na pansin namin kung sinu-sino ang may OFW sa pamilya.  Kabi-kabilaan kasi ang dating ng mga balikbayan boxes sa aming kalye.  Ang tawag nga sa karamihan sa tagarito ay mga pensyonado ng OFWs.

Sila ‘yung mga pamahjong-mahjong na lang, pa-tong-its tong-its, patambay-tambay sa tabi-tabi at madalas na may tagay session.  Sila ‘yung madadalas ipagtanong ng mga delivery vans o kaya’y money delivery boys eh.   Kaya paano ka mahihirapang magsurvey kung sino-sino ang mga pensyonado’t pensyonada?  Hehehe

Kapag lumabas ka, makikita mo rin sila sa pila sa money changer sa labasan o kaya’y sa LBC remittance o Western Union.  Pati sa mga T-shirts at sapatos na suot, halatang mga imported.  Halatang may OFW sponsors.

Ok naman ‘yun.  Nagpapalakas daw sa ekonomiya yung mga OFW remittance, ‘di ba?  Kaya raw puno lagi ang malls, ang Divisoria, ang mga tiangge.  Kasi mga perang mula sa abroad ang umiikot sa Pinas.  Bihira naman daw kasi na ang Pinas ang may padala sa ibang bansa pagdating sa cash o kahon man.  Walang sinabi ang outgoing sa incoming.  Kung may outgoing man, Pinoy workers ‘yun.  Kung may incoming man, pera’t balikbayan boxes ‘yun.

Puwes, kung may pinag-aaral kayong mga anak, hindi rin siguro malayong nasasabi n’yo sa mga anak n’yo na, “Anak,mag-aral kang mabuti para makasunod ka sa ate o kuya mo, sa kapitbahay natin, sa mga pinsan mo,  doon sa abroad.”

Hmmmm…hindi na nga siguro maaawat pa ang ABROAD mentality na iyan.  Naging bahagi na ng wish list ng marami eh.  Nagiging priority na ng marami sa choices.  Handang sumugal, magsakripisyo at mangarap na mas may mapapala sa pag-a-abroad. Hindi na rin lang mapigilan, pagsikapan na lang na maging daluyan ng tuloy-tuloy na pag-asa at pag-asenso ng pamilyang Filipino.

Pero teka…  abroad o negosyo?  Baka puwede nating timbangin?

Kung napansin n’yo ang balita ukol sa mga bagong bayani, taun-taon ay iniuulat ang pataas nang pataas na porsiyento at halaga ng pumapasok na foreign remittance sa ating bansa.  Ibig sabihin, dumarami o tumataas ang buying power ng mga OFW families. Eh bihira naman ang lumalabas na pera sa atin, so… may pambili ang mga nariritong OFW families!

Ayan… baka puwede na nating paigtingin ang ating pagsisikap na gawing mas matatag ang ekonomiya n gating pamilya at bansa.  Hindi naman kailangang korporasyon ang itayo ng mga pamilya ng OFWS;  yaong maliliit na negosyo na makatutulong upang mas mapaikot pa ang pinaghihirapang kitain ng ating mga OFWs na kapamilya.  Matutunan na sanang mag-impok ng lahat ng pamilya ng OFWS.

Alisin sa isip ang “mahirap magnegosyo.” 

 “Mahirap isingit sa budget.”

“Kapos pa nga ang padala.”

Hamunin ang sariling mag-isip at dumiskarte.  Pag gusto, may paraan, ‘di ba?  Pag hindi gusto, gawaan ng paraang magustuhan.  Alisin sa isip ang mga negatibong alibis.   Maliit na halaga man ang pagsimulan, kapag may sikap at tiyaga, lahukan pa ng tiis at sigla…hindi malayong may unti-unting ikaaangat ang munting negosyo.

Eh ‘di ba’t negosyo ang pinu-push ng mga Intsik noong araw pa man?  Kasi nga may asenso sa tuloy-tuloy na pagsisikap.  Kung may OFW tayo, sabayan natin ang kanilang pagtitiis upang hindi na sila matuksong mangutang o gumawa ng illegal upang matustusan ang walang katapusang paghingi ng kani-kanilang pamilya.

Isaisip ang bilyun-bilyong pumapasok na remittance ng OFWs.  May pambili ang mga pamilyang Pinoy.  Ang patuloy na pag-ikot ng kaperahan sa lipunan ang siyang magpapasigla sa hanapbuhay.

Sa mga uuwing OFWs, makipag-meeting kayo sa inyong mga pamilya at pagtulung-tulungan n’yong diskartehan ang munting negosyong maaaring simulan ng pamilyang iiwan.  Sama-samang magplano at mangarap.  Huwag hayaang maging parasite ang inyong kapamilya dahil ito ay hindi makatutulong sa kanilang self-esteem at values; sakanilang personal na paglago.  Huwag silang itulak na maging tamad habang ikaw ay nagpapakabayani.  Magiging mas masaya sila kapag nakamit nila ang kanilang sariling katuturan sa buhay.  (Nakasasawa din namang maging palaasa na lang.  ^_^ )

 (Itutuloy)

PART 2

Incoming search terms:

  • damdamin ng mga pamilya kapag may kapamilya na Overseas Filipino Workers
2 comments

About the author

Chumpola Pineda

I’m old enough to be a grandma, but not yet a grandma;  just a doting mom and a childlike daughter to my father.

Just a simple mom, with special kids and a special-needs kid.  ^_^  I am a multi-tasker, cooking while I sew, writing while I sing, cleaning while I bathe.  Lol.  Patience and perseverance are my topmost values and I intend to enjoy life with my kids, my family and friends.  I love everyday and the simple joys worth cherishing day in and day out.

Join Our Mailing List
Like Us on Facebook
happy nurses week