Gusto n'yo po bang malathala ang inyong akda sa AdoboChannel? Send n'yo lang po sa info@adobochannel.com o i-submit dito. Click Here to Submit
Gusto n'yo po bang malathala ang inyong akda sa AdoboChannel? Send n'yo lang po sa info@adobochannel.com o i-submit dito. Click Here to Submit
Ako po si Liza, nais ko lamang na ibahagi sa inyo ang isa sa mapait kong karanasan.
Tungkol ito sa aking matalik na kaibigan na ngayon ay mortal nang kaaway. Sayang! Tawagin na lamang po natin sa pangalang Noime ang tao na tinutukoy ko. Ang ganda nang pagsasamahan namin sa Pilipinas, mula pa elementary ay magkaibigan na kami. Nagpapahiraman kami ng mga damit at iba pang bagay. Nagsasabihan kami nang mga sikreto. Ipinagtatanggol namin ang isa’t-isa kapag may umaaway sa amin. Para na nga kaming higit pa sa magkapatid.
Pero nangyari ang isang bagay na naging dahilan para makilala ko ang tunay niyang kulay. Pareho kaming nakakuha ng Visa at nakarating sa Amerika. May asawa at dalawang anak na noon si Noime. Tourist visa lamang ang visa namin; plano namin na maghanap ng trabaho, para ang pagtatrabahuhan na lang namin ang magpetisyon sa amin.
Anim na buwan lamang ang ibinigay na pananatili ng Imigrasyon sa amin. Kaya naman kabi-kabila ang paghahanap namin ng trabaho. Naghahati kami sa upa sa bahay at sa lahat ng gastusin. Ganito pala sa Amerika, napakamahal ng mga renta sa apartment at mahal din ang bilihin. Gayunpaman ay medyo mura ang pagkain.Gabi-gabi ay nananalangin kami na mapasok sa trabaho.
Dininig ng Diyos ang panalagin namin; pero si Noime lang ang nabigyan ng trabaho. Isa lamang daw kasi ang kailangan sa Restaurant na napasukan niya. Ang ganda nga ng offer sa kaniya. Ang may-ari na raw ang mag-aayos ng kaniyang papel.
Maligaya ako para sa kaniya, kasi ang usapan naman namin ay magtutulungan kami at hindi maglalaglagan. Matiyaga pa rin akong naghanap ng trabaho, pero wala talaga akong swerte. Ngunit simula nang nagtrabaho si Noime ay parang nagbago ang kaniyang ugali;parang hindi na niya ako masyadong pinapansin. Minsan parang ayaw na niya akong makasabay sa hapag-kainan. Pero noong panahon na iyon, iniisip ko na baka pagod lamang siya.
Isang buwan bago mag-expire ang aking visa ay kinausap ako ng masinsinan ni Noemi. Umuwi na raw ako sa Pilipinas. Tanggapin ko raw na hindi naging successful ang pag-aabroad ko. Napaiyak ako, pero sinabi ko sa kaniya na uuwi na nga ako.
Sa sobrang sama nang loob ko ay namasyal ako sa Park, doon ko ngayon nakilala ang iba pang mga Pilipino. Ang iba sa kanila ay mga over-stayed na raw at wala ng papel. Subalit hindi na sila umuwi dahil nagbibigay raw ng amnesty ang Presidente ng Amerika bawat taon. Kaunting tiis lamang daw. Isa pa, pinayuhan na rin nila ako na huwag nang umuwi, dahil dalaga naman daw ako. Dito na raw ako humanap nang mapapangasawa na mag-aayos ng papel ko. Pero pinagbilinan nila ako na huwag ipagsasabi lalo na sa ibang Pinoy ang aking estado, dahil baka raw ako i-report at madeport.
Ganoon na nga ang aking ginawa, hindi na nga ako umuwi. Iniisip ko kasi na nandito na ako, maraming oportunidad na naghihintay sa akin. Ayaw kong sayangin ang pagkakataon.
Ngunit napapansin ko na talagang pinag-iinitan na ako ng aking kaibigan. Halos hindi na niya ako pinapansin. Pero lagi kong naririnig na kinakausap niya ang kaniyang asawa sa Pilipinas, lagi siyang nagpapadala ng pera dito. At isa na nga ako sa TNT o tago nang tago. Minsan natatakot pa ako dahil baka mismong kaibigan ko pa ang mag-report sa akin.
Nakaaawa ako, kaunti na lamang ang natitira kong pera, kapag hindi ako nakabigay nang share sa bahay ay maari akong palayasin. Mahirap pa namang maging homeless sa Amerika. Mabuti na lamang at may mababait na Pilipino akong nakilala sa Simbahan. Minsan pinaglilinis nila ako ng bahay. Lahat ng trabaho na blue collar ay pinasok ko.
Sinubukan kong magpala ng niebe, noong tag-lamig; medyo marami-rami akong kinita pero sumakit ang katawan ko pagkatapos. Para makatipid ako sa gastos sa pagkain ay nakikipila na lamang ako kapag may rasyon. Binigyan din ako ng makakapal na damit nang aking mga bagong kakilala.
Minsan, habang nakasakay ako sa tren ay lumapit sa akin ang isang Lalaking puti. O My Kilig to the Bones, ang gwapo niya. Mga 6’1 yata ang height at simpatikong ngumiti. Tinanong kung bakit daw ako malungkot. Naging honest ako. Sinagot ko nang “Because I miss my Family, back home.”
Nginitian niya ako, pamaya-maya ay itinanong niya kung ako ay married, sinagot ko kaagad ng “Im Virgin” sinabayan ko nang nakaaakit na ngiti, girl power talaga, nakita ko kasi na wala rin siyang singsing sa kamay.
Iyon ang simula ng pagkikilala namin ni Bart, isang American Serviceman na kagagaling sa Afghanistan. Ang problema, nilalakad pa lamang niya ang divorce niya sa kaniyang asawa; may dalawa silang anak. Nahuli raw kasi niya na siya ay pinagtataksilan nang asawa habang nasa ibang bansa. Hinihintay pa raw niya ang desisyon ng Judge.
Sinabi ko ito kay Noemi, akala ko ay matutuwa siya para sa akin. Nagulat ako nang minsang tumawag sa akin ang nanay ko. Umiiyak si Inay habang kinakausap ako, ang sabi ay bakit daw ako nagpuputa sa Amerika. Umuwi na raw ako, huwag ko raw sirain ang buhay ko. Ako na raw ang paksa ng tsismisan sa aming lugar, si Noemi raw ang nagbalita sa kanila.
Napaiyak ako ng sobra, bakit? Wala pa naman kaming ginagawang masama ni Bart. Hindi naman ako puta. Ang inaakala kong kaibigan ay isa palang huwad. Sayang ang mga pinagsamahan namin. Sayang ang pagmamahal na ibinuhos ko sa kaniya. Nasaktan ako pero hindi ko na kinumpronta si Noime. Sinabi ko na lamang kay Nanay na sa akin siya maniwala. Nang yayain ako ni Bart na maki-live in na sa kaniya; habang hinihintay ang desisyon ng huwes ay pumayag na ako.Ang tao kasi na inaasahan kong tutulong sa akin ay ibinagsak na ako. Kaunti lamang kasi ang aking kinikita, malapit nang hindi ako makabayad sa bahay. Hindi na rin ako nagpaalam kay Noemi na aalis.
Napakabait naman pala ni Bart. Kahit minsan, hindi ako nasigawan. Masaya siyang kasama at tinrato niya akong prinsesa.
Naayos rin at natapos ang Diborsyo. Nakuha ni Bart ang Custody ng kaniyang dalawang anak. Ganito pala sa Amerika, hindi sila bitter, parang magkaibigan na lamang si Bart at ang Ex-wife niya. Ipinakilala pa nga ako rito ni Bart at tinanggap niya ako nang malugod.
At pinakasalan na nga ako ni Bart, makalipas lamang ang anim na buwan ay binigyan na ako ng Green Card. Ang saya ko, pinetisyon ko na rin ang aking mga magulang at na-aprubahan iyon. Marami pala kasing pribilehiyo ang mga sundalo sa Amerika. Libre ang pag-aaral ng isang sundalo, may pondo para makabili sila ng bahay at napakabilis pumetisyon ng asawa o kasintahan.
Pasalamat ako sa Diyos dahil napakabait niya sa akin.
Si Noemi, halos hindi na kami nagbabatian. May pagkakataon na nag-reach out ako sa kaniya. Sinubukan ko na kausapin siya ng masinsinan, para alamin kung bakit siya nagbago. Pero wala, naging wild raw kasi ako sa Amerika; ayaw raw niya ng kaibigang nasa loob pala ang kulo at malandi.
Pinayuhan ako ng mga naging kaibigan ko rito na Let ko off her, kasi raw ay baka naiinggit lamang siya sa akin.Matagal na kasing hindi niya nakikita ang pamilya. Hindi rin daw tinupad ng Management ng restaurant ang pangako na aayusin ang papel niya. Siguro, bitter lang siya sa buhay, ang masakit lamang ay nag-suffer ang pagkakaibigan namin. Totoo pala ang sinasabi ng ilan nating kababayan. Maraming nababago sa nangingibang bansa. Pero sabi ko ay depende na iyon sa tao.
May isa na akong anak ngayon kay Bart. Pinag-aral niya akong muli at isa na akong Registered Nurse. Narito na rin ang aking mga magulang at pinepetisyon na rin nila ang kapatid kong bunsong lalaki na naiwan sa Pilipinas. Salamat sa Diyos at naayos ang buhay ko.
Iyon nga lang nalulungkot pa rin ako kapag naiisip ko ang aking kaibigan. Ang isa sa mga taong nagbago ang ugali sa pangingibang-bansa. Sana kayo hindi magbago, kung maiba man ay for the better sana.
