Gusto n'yo po bang malathala ang inyong akda sa AdoboChannel? Send n'yo lang po sa [email protected] o i-submit dito. Click Here to Submit

Nagbalik Ang Isang Alaala

memories

Una ko syang nasilayan sa mga larawan, mga larawang nagpakislot sa aking puso, mga larawan na nagpa-alala sa isang matamis na nakaraan.

Mula noong makita ko ang wangis nya sa mga larawang iyon ay pinangarap kong personal syang makita at makilala.

Kanina, mahigit isang taon na ang lumipas mula nang larawan nya’y una kong nakita, dininig ng langit ang isa sa mga ibinubulong ng puso ko. Nakita ko sya at nakaharap ng malapitan. Lihim akong napaluha sa ligayang dulot ng aming unang personal na pagkikita.

Kinawayan ko sya at ang ganting kaway nya sa akin ay lubos na nagbigay ng ligaya sa puso kong nalulumbay. Sinubukan ko syang kausapin subalit sya ay mahiyain…tinakpan nya ang kanyang mukha at tumalikod sa akin.

At nagbalik ang isang alaala…

Nag-aagaw pa ang dilim at liwanag sumagsag na ako sa terminal ng mga jeepney. Kailangan ko nang dalhin sa pinakamalapit na ospital ang aking pinakamamahal na asawa. Isisilang na ang pangatlo naming supling.

Medyo matagal ngayon ang panganganak ni misis. Inabot na ng tanghali ay hindi pa rin nailuluwal ang sanggol. Nakatulog ako sa inarkilang pribadong silid sa paghihintay.

Nagising ako nang kumatok ang isang nurse na may kasamang lalaking attendant. Dinala nila sa silid ang asawa ko, na maluwalhati namang nakapanganak na, upang makapagpahinga at magpalakas. Sinabi ng nurse na ipinatatawag ako ng doktor na nagpaanak . Inayos ko muna ang aking sarili bago ako nakipagkita kay dok.

Sa nursery ako itinuro ng isang nurse na nasa nurses’ station nang itanong ko kung saan ko makikita si dok. Pagdating ko doon ay agad akong sinalubong ng doktor. Dinala nya ako sa isang bintanang de-salamin kung saan makikita ang mga bagong silang na sanggol. Itinuro nya sa akin kung sino ang anak ko.

Maayos naman ang lagay ng anak nyo” simula ng doktor.

Six lbs. ang timbang nya, maayos ang heartbeat,…..”

Dok, may Down’s Syndrome ang anak ko”, pinutol ko ang mga sinasabi nya.

Yes, Mr. San Juan. Pero huwag po kayong mag-alala may mga kasong tulad nya na mahaba ang buhay. Bantayan nyo lang ang kalusugan ng kanyang lungs…”

Hindi ko na naintindihan ang iba pang sinasabi ng doktor. Tulala akong nakatitig sa bagong silang kong anak. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko noong oras na iyon.

Gusto nyo bang ako na ang magsabi kay misis?” alok ng doctor.

Ako na po, dok”

Bumalik ako sa aming silid at nadatnan kong gising na ang aking asawa. Kinumusta nya ang anak namin. “Maayos naman. Baby girl ang anak natin, mommy”, sabi ko. Nagtatalo ang isipan at damdamin ko. Sasabihin ko na ba ngayon o hintayin kong sya na ang makaalam kapag dinala na ang baby namin para sa unang breastfeeding?

Ipinasya kong sabihin na sa kanya para maihanda nya ang kanyang loob sa una nilang pagkikitang mag-ina.

Espesyal ang anak natin, mommy.”

Nakakatitig lang si misis sa akin. Parang hinihintay nyang matapos ang sinasabi ko.

May Down’s Syndrome sya.” Hindi ko mabigkas ang salitang mongoloid.

Siguro ay naramdaman nya kung ano ang nararamdaman ko kaya pinisil nya ang palad ko at nagsabing, “Anak natin sya. Bigay sya ng Diyos kaya dapat natin itong ipagpasalamat.”

Gusto ko nang maiyak noong oras na ‘yon pero napigilan ko dahil sa paghanga sa katatagan na ipinakita ng asawa ko. Bagaman tanggap ko na ang katotohanang hindi normal ang aming ikatlong anak ay hindi pa rin naalis ang iniisip kong baka nagkamali lang ang doktor.

Nang maiuwi ko na ang aking mag-ina ay agad akong gumawa ng kaunting research tungkol sa Down’s Syndrome. Isinunod pala ito sa pangalan ng isang British physician na nag-describe sa naturang kundisyon, si Dr. John Langdon Down.

Lahat ng palatandaan ng naturang kundisyon ay nasa aming anak. Masakit mang tanggapin ay hindi mapasusubaliang mongoloid ang aming anak.

Maging sa panaginip ay tila nahihirapan akong matanggap ang katotohanan dahil sa aking panaginip ay normal na bata ang bago naming anak.

Huwag na huwag nilang tutuksuhin ang anak ko dahil ako ang makakalaban nila”, laging sumasaksak yan sa isip ko.

Nalaman ko na ang mga katulad niya ay “educable” naman o natuturuan upang makapamuhay ng normal. May mga kaso pa ngang natatanggap sa trabaho ang mga katulad nila basta simpleng task lang ang ipagagawa.

Pinag-aral namin siya sa isang Special Education School. May kamahalan ang bayad subalit kailangan alang-alang sa kanyang kinabukasan.

Hindi naman sa pagmamayabang, ang anak namin ang pinakamaganda sa kanilang magkakaklase. Oo, magkakahawig silang lahat pero iba ang dating niya. Sya ang naging teacher’s pet.

Isang araw nga ay nagulat na lang ako nang biglang dumalaw sa bahay namin ang guro nya at ang boyfriend nito. Ang sadya nila ay hingin ang permiso naming mag-asawa na gamitin ang pangalan ng aming anak sa bubuksan nilang School for Special Children. Isang karangalan naming itinuring iyon kaya pumayag kaming mag-asawa.

Lubos na kaligayahan ang dala sa amin ng ikatlo naming anak. Tatlo’t kalahating taong lipos ng kaligayahan. Tatlo at kalahating taon…at binawi na sya sa amin ng Diyos.

Pneumonia ang ikinamatay nya. At naalala ko ang sinabi ng doktor na nagpaanak sa kanya na bantayan daw namin ang kalusugan ng kanyang lungs mahigit labimpitong taon na ang nakakaraan ngayon.

Ours for a while, God’s forever”, iyan ang nakalagay sa lapida sa libingan ng anak namin.

At kanina nga ay nasa harapan ko ang isang batang tulad nya. Edad tatlong taon. Nilapitan ko sya at tinangkang kausapin subalit sya ay mahiyain, nagtakip ng mukha at tumalikod sa akin.

Isay ang pangalan nya. Bunsong anak ng kapatid ng aking asawa.

Incoming search terms:

  • istoryang incest
  • Pantasya incest
  • mag ina incest
  • incest istorya
  • incest na istorya ng ina at anak
  • pantasya com/incest
  • pantasya com incest
  • incest na istorya
  • Ina at anak incest storya
  • incest anak at ina
3 comments
AdoboChannel
AdoboChannel like.author.displayName 1 Like

I always like to hear "Fathers" like me, who openly professes their love for their children. I love my kids very much, they are my everything. Saludo kami sayo Abner sa pagiging mong tunay na Ama sa harap ng ganyang pagsubok. Sana lahat ng mga dads na may anak na special ay ganyan ka proud at supportive sa kanilang mga anak.

Rachel Astrero
Rachel Astrero like.author.displayName 1 Like

Salamat po sa pagbahagi ng inyong kwento.opo magkikita po kayong muli

About the author

Abner Bañares San Juan

I am a simple guy with simple dreams. I dream of becoming wealthy beyond my wildest dreams.

Join Our Mailing List
Like Us on Facebook