/ ang bagong media ng digital na filipino

Gusto n'yo po bang malathala ang inyong akda sa AdoboChannel? Send n'yo lang po sa info@adobochannel.com o i-submit dito. Click Here to Submit

Meteorite Crash: Bakit Hindi Napaghandaan?

comet

Sadyang nakapagtataka ang nangyaring pagbagsak ng isang meteorite kamakailan lang. Hindi man lang ito nakita ng NASA, gayong ang pagdaan ng isang asteroid sa mundo ay kanilang nasabi bago pa man nangyari. Marami pa ngang hindi naipaliliwanag ang siyensiya gaano man ito ka advanced. Dito natin nakita ang kahinaan ng tao. May mga bagay pala na hindi pa rin sakop ng ating kaalaman.

Muli kong binasa ang mga naisulat na balita, para masiguro kung may mga babala sa maaring mangyaring pagbagsak ng isang bagay mula sa kalawakan ngunit wala akong nakita. Ibig sabihin ang pangyayaring ito ay sadyang hindi inaasahan.

Wala nga pala talagang obserbatoryo na ang gawain ay magtalaga lang para mag-obserba para sa mga papasok na meteors o asteroid sa daigdig para makapagbigay babala kung saan maaring tumama ang nasabing mga bagay.

At matapos ang pangyayaring ito sa Russia, agad nagpulong ang mga astronomers at scientists at nagdesisyon sa paggawa ng isang state of the Art detection system, na magbibigay babala sa pagpasok ng asteroid at meteorites.

Atlas Detector ang tawag dito. Ito ay magkakahalaga nang US$5 million ($5.9 million) na magmumula sa NASA. At ito ay itatayo sa isla sa Hawaii kung saan ang malinis na hanging ay isa sa makakatulong sa pagbigay ng eksaktong obserbasyon.

Ayon sa dalubhasa sa larangan ng astronomiya, ito ay magbibigay ng isang linggong babala para sa isang maliit na asteroid na maaring bumagsak sa isang siyudad o kaya tawaging “City Killer”, at tatlong linggong babala para sa isang malaking asteroid na pwedeng tawaging “Country Killer”.

Sa ganitong paraan ang mga lugar na maaring tamaan ay makagawa na ng paraan para maprotektahan ang kanilang ari-arian at kung hindi man magkaroon ng paglisan sa nasabing lugar para walang masugatan o kaya mamatay.

Sinasabing ang huling naitalang pagbagsak ng isang meteorite ay noong 1908 pa sa Tunguska Region ng Siberia kung saan 80 milyong kahoy ang nabuwal. Sinasabing ang bumagsak raw ay isang kometa, na merong 100m na diyametro.

Sadyang nakakamangha ang nangyayari sa kalawakan. Pilit inaabot ng kaalaman ng tao, ngunit may nakakalusot pa ring hindi man lang napapansin.

At ang nasabing instrumento na magbibigay babala? Mag-uumpisa pa itong magamit sa 2015. Ilan pa kayang meteorite ang maaring bumagsak nang hindi man lang napapansin. Bubulaga na lang pagbumagsak na sa harap natin.

Incoming search terms:

  • elan ang mga meteor na bomagsak sa mga lugar
  • tungkol sa meteorite
0 comments

About the author

Simpleng tao na mahilig lang magsulat. Bikolana. Oragon.

Join Our Mailing List
Like Us on Facebook
happy nurses week