Gusto n'yo po bang malathala ang inyong akda sa AdoboChannel? Send n'yo lang po sa info@adobochannel.com o i-submit dito. Click Here to Submit


Gusto n'yo po bang malathala ang inyong akda sa AdoboChannel? Send n'yo lang po sa info@adobochannel.com o i-submit dito. Click Here to Submit
Maynila! Pinangarap ng karamihang taga probinsiya na marating maging ng mga dayuhan.
Kahit nakikita nating halos nagsisiksikan na ang mga tao sa dami pero sige pa rin. Ano nga ba ang mayroon ka at ikaw ay pilit na inaabot at marating? Minsan hindi ko mapigilang humanga at mapatingala sa mga nagtatayugang building, mga overpass at skyway/express way na aking madaanan. Mga nagkarerahang sasakyan na akala mo wala ng aabutang daan kaya palaging nagmamadali at nag-uunahan hindi na bale nang magkandadapa ang pasaherong hindi pa nakapwesto ang puwet sa upuan. “Ay kabayong duling!” Hindi mapigilang namutawi sa aking bibig ng minsang umarangkada na ang bus na hindi pa ako nakaupo.
Maynila!
Sayo ko nakita ang kagandahang hindi ko nakita sa aming probinsiyang halos puro puno ang nagsitayugan. Dito ko naranasang maligo sa isang baldeng tubig lamang samantalang sa probinsiya ko lumalangoy ako sa tubig. Tsik tsik tsik! Pambihira! Nasabi ko na rin sa aking pamilya ang aking kalagayan pero natural lamang daw iyan kasi Maynila ang aking napuntahan. Pero huwag ka sa mga hotel naman at restaurant sadya nga namang talo ang probinsiya n’yan! Kahit magbabad kapa magdamag sa tubig okey lang kasama naman sa binabayaran mo yan. Iyon eh kapag nag fieldtrip lang naman na malaking gastos pa ang kinakailangan.
Maynila!
Mayaman ka sa mamamayan pero iilan lamang ba ang totoong nagmamalasakit at nagmamahal sa iyong taglay na kagandahan? Paglakad ko sa isang eskinita tambak na basura ang nakabulagta. Gusto ko man na huwag huminga upang hindi maamoy ang nadaanang basura pero dibdib ko’y halos pumutok na. Walang taong nag-aalaga tapon doon tapon dito na lamang ang ginagawa total wala namang nakakita sa kanilang ginawa! Akala ko marami ang nagmamahal at humahanga sa iyong taglay na kagandahan pero sila pala mismo ang dudungis sa ganda mong ipinagmamalaki at iniingatan.
Maynila!
Makikisig at magagandang empleyado ang nakasasalubong ko, sila ay papasok na sa de aircon na trabaho. Sadya nga namang sila’y kinaiingitan ko, bakit ako hindi pwede sa desinteng trabaho na bigay mo? O sadya nga bang pang OFW na lamang ako? Hay! Aalis na naman ba ako sa bansang sinilangan ko, kailan ba ako pwedeng mag- apply na lamang dito? Ay oo nga pala ipinagmamalaki naman ng ating mga pinuno na nakatira sa Maynila ang kanilang mga mamamayan na nangingibang bansa, bakit kaya? Ahhh! Baka gusto nila sila lang ang titira sa Maynila! “O tinamaan kaba, o sadya nga bang manhid kana?
Maynila!
Mga dayuhan sadyang ikaw ay kinakabaliwan lalo na kapag sasapit na ang kadiliman. Boracay na sa probinsiya ko ay aking tinalikuran upang ikaw ay akin lamang masilayan pero ako ay pansamantala lamang sa iyong kandungan. Gusto kong ikaw ay aking makita at maramdaman na minsan ay itinuring mo rin akong iyong kababayan kahit panandalian lamang, pero sadyang iyon ang kulang na nais kong iyong mapunan. Aasa na lamang ba ako o sadyang ganito na ang papel mo sa mundo? Ang aliwin ang mga dayuhan at kaming sarili mong kababayan ay pilit na itinutulak sa gitnang silangan?
Palaging masigla habang ako’y nag-a-apply na palabas ng bansa. “ Oo nga naman kasi dolyar na naman ang remittance na mapupunta sa ating bayan.” Kaming mga nangingibang bansa naman ay parang naging dayuhan na lamang sa sariling bayan kasi pag balik naming ibang Maynila na naman ang aming masisilayan. Malaki na ang nagbago at halos hindi ko na matandaan ang daan. Mga jeep na halos nag-mukhang train na sa daan sa sobrang dami nga naman! Pilipinas ito ba ang aking pinagmulan?
Pero bakit pakiramdam ko’y hindi ako welcome sa sarili kong tahanan. Sapagkat sa pag-uwi ko ay muli ko na naman kayong nililisan na para bang ako’y isang dayuhan na lamang sa aking Inang Bayan.
++++++++++++++++++++++++++++++++
Simpling tao, dating OFW na ipinagmamalaki ko. Mahilig magsulat ng mga bagay na nakikita ko at binibigyan ito ng makatotohanang k’wento ayon sa nakikita ko at hindi kathang -isip lamang. Hangad kong makapagbigay saya sa lahat ng makababasa ng mga articles ko, ito ang tanging yamang maipagmamalaki ko sa aking mga anak. maraming salamat po sa oras na ibinahagi n’yo para mabasa ang mga kwento ko. At maraming salamat din sa adobo channel na nagbigay ng chance para makapagshare ng mga articles ko, Godbles us all!
