/ ang bagong media ng digital na filipino

Gusto n'yo po bang malathala ang inyong akda sa AdoboChannel? Send n'yo lang po sa [email protected] o i-submit dito. Click Here to Submit

Maagang Pag-Aasawa: Sa Kabilang Dako

the positive effects of early marriage

Karaniwan nang asumpsyon sa mga nag-aasawa ng murang edad ang pagiging marupok nito at mahirap sa payo. Ilang disertasyon na ang nagawa tungkol dito. Ang mga pananaliksik na ito ay nagkaroon ng konklusyon na walang ni isang salik ang masasabing sanhi ng isang matagumpay na pag-aasawa (Burchinal, 1965; Ireland, 1972) . Depende ito sa dalawang taong nauugnay dito, sa kapaligiran nila, at kung paano sila sinusuportahan ng kanilang mga kapamilya at kaibigan (Boykin, 2004).

Nagkaroon ng isang pananaliksik tungkol sa iilang mga matatagumpay na mag-aasawang tinedyer at kung paano nilang pinagsikapang mapagtibay ang relasyon sa isa’t isa. Diin dito ni Boykin (2004) na hindi basehan ang edad para mahusgahan ang katagumpayan ng isang matrimonya. Nangangahulugan itong hindi mainam ang pagpapahina ng loob sa mga nag-iibigang nasasakop dito. Sa katunayan ay kinakailangang malaman ng mga Clinicians na dapat palakasin nila ang loob ng mga kabataang ito ng sa ganoon ay hindi nila maramdaman ang pagbabalewaha at pagtatakwil sa kanila, lalo na sa komunidad na kanilang kinabibilangan.

Sa isang artikulo sa ChristianityToday.com na pinamagatang “The Case of Early Marriage”, naipahayag din ang paksa ng maagang pag-aasawa. Datapwat sinasabi ng lipunan na dapat i-delay ang pag-aasawa, pinunto ni Regnerus na karamihan ngayon sa mga tao, lalo na sa lugar niya (Amerika), kahit mga Kristiyano mismo, ay napapasabak pa sa premarital na pakikipagtalik imbis na isinasaad ng Bibliya ang kabaliktaran nito. Winakasan niya ang artikulo sa pahayag na mas mabuti pang mag-asawa ng maaga kaysa sa malagay sa ganitong mga sitwasyong nakapagpapabagabag sa moralidad ng tao.

Sa kabuuan, hindi layunin ng tekstong ito na paunlakan ang konsepto ng maagang pag-aasawa, kundi ay ang makapaglahad lamang ng punto sa kabilang dako ng paksa, nang sa ganoon ay mapagtimbang ng mga tao, lalo na ng mga kabataan, kung saan ang nararapat sa kanilang mga sariling pananaw.

___________________
1. Burchinal, L. (1965). Trends and prospects for young marriages in the United States. Journal of Marriage and the Family, 27, 243-254.

2. Ireland, R. (1972). American teen-age marriages: Some facts and fallacies. Indian Journal of Social Research, 13, 37-49

3. Boykin, E. L. (2004). Successful teenage marriages: A qualitative study of how some couples have made it work.

4. Regnerus, M. (31 July 2009). The Case for Early Marriage. Retrieved 21 January 2013 from http://www.christianitytoday.com/ct/2009/august/16.22.html

Incoming search terms:

  • maagang pag aasawa
  • dahilan ng maagang pag aasawa
  • epekto ng maagang pag aasawa
  • introduksyon sa sanhi at bunga ng maagang pag aasawa
  • pananaw sa early marriage
  • sanhi ng maagang pag aasawa
  • panimula ng maagang pag aasawa
  • dahilan ng early marriage
  • panimula para sa maagang pag-aasawa
  • pag aaral tungkol sa maagang pag aasawa
0 comments

About the author

Vincent Dores N. Tagupa is an aspiring writer, who currently graduated from Cristal e-College, Maritime Department, Tawala, Pangalo, Bohol, Philippines. Since high school, he has been trying to write novels and articles, and dreaming to publish them someday. He is a Christian and is proud to be a Filipino. He is from Taug, Lila, Bohol, 6304 Philippines, and is currently residing at the “K” Line dormitory inside the “K” Line Building in Pasay City.

Join Our Mailing List
Like Us on Facebook
happy nurses week