Gusto n'yo po bang malathala ang inyong akda sa AdoboChannel? Send n'yo lang po sa [email protected] o i-submit dito. Click Here to Submit

Dysmenorrhea: Paano Mababawasan Ang Kalbaryo?

gamot sa dysmenorrhea

Ang isang normal na babae ay nagkakaroon ng regla o buwanang dalaw. Subalit nakalulungkot isipin na maraming babae sa ngayon ang nagiging kalbaryo ito. Narito po at tatalakayin natin ang tungkol sa dysmenorrhea o masakit na pagreregla. Ilan sa mga nararamdaman ay ang pananakit ng puson na minsan ay kasama na ring sumasakit ang lihim na bahagi. Pamimitig at pamamanhid ng mga paa.

Pakiramdam na tila ba giniginaw subalit pinapawisan naman ng malamig. Maaring sumasakit din ang balakang at nakararanas din ng pagsusuka. Sang-ayon sa ilan, ang sakit na kanilang nararamdaman ay iyong tila ba nadudumi na hindi naman makadumi. Maari din pong makaramdam ng panghihina at panlalata, ang iba pa nga po ay nawawalan ng ulirat.

Ano nga ba ang sanhi ng Dysmenorrhea? Limitado po ang aking kaalaman tungkol dito, subalit bilang isang tao na pinahirapan ng kalagayang ito sa matagal na panahon. Ang inyong lingkod po ay nagsikap para ito ay lubusang tuklasin. Simple lamang po ang aking maipapayo, pinakamabuti po na sumangguni sa mangagamot . Pumunta po kayo sa mga Obstetrician, maaring magrekomenda po siya sa inyo ng Ultra Sound. Kasi ang pagkakaroon ng dysmenorrhea ay maaring sanhi ng iba pang mas malalang karamdaman. Maari po na kayo ay may diprensiya sa matres. Gayunpaman, mas mabuti po na maagang malaman anuman iyon para ito po ay dagling malunasan.

Narito po ang ilang payo na makatutulong para makayanan natin ang kalagayang ito.

  • Una po, sang-ayon sa kasabihan prevention is better than cure. Ang pag-iwas po ay mas mabuti kaysa sa panggagamot. Samakatwid po, kung inyong maramdaman na kayo ay malapit ng reglahin. Makatutulong po kung kayo ay iiwas sa pagkain ng maaalat. Iwasan po ang daing, patis, bagoong, isama na rin po ang mga beef products gaya ng hot dogs at sausages dahil mataas po ang kanilang sodium content. Isa-isantabi rin po muna ang mga noodles at mga sitsirya.
  • Pangalawa, mag-ehersisyo dahil makatutulong po ang ehersisyo upang bumilis ang tibok ng puso at ito po ang paraan para magkaroon ng maayos na sirkulasyon ang dugo. Sikapin lamang po na ang ehersisyo ay iyung talagang papawisan kayo. Maari kayong mag-jogging, brisk walking o kung kaya naman ay mga sports gaya ng tennis at basketball.
  • Pangatlo, uminom ng sabaw ng buko. Isa po kasi ito sa nakatulong sa akin ng malaki. Para po sa akin ang sabaw ng buko ay desalinator o nagtatanggal ng labis na asin sa katawan. Kumain na rin ng mga berdeng madahong gulay. Ito po ay sagot lalo na sa mga taong anemic. Uminom na rin po ng maraming tubig at iwasan ang softdrinks.
  • Panghuli, Huwag na po sigurong masyadong magpagod sa inyong trabaho. Maari po kasi na ang dysmenorrhea ay bunsod ng stress.

Paano n’yo po malalaman na kayo ay rereglahin na? Simple lamang po, magbilang po kayo.

Karaniwan sa mga babae ay may 28 araw na siklo, ibig sabihin nagkakaroon ng regla tuwing ika-28 araw. Mayroon din namang iba na 35 day na siklo. Nasasainyo na po iyan. Kung sakali naman po na hindi regular ang pagreregla, maari pong obserbahan ang inyong katawan. Kapag malapit na po kasi kayong reglahin, maaring sumakit din ng bahagya ang inyong puson. May pananakit din ng mga suso. Maari ding magkaroon ng food cravings. Iyon bang parang gustong-gusto mong kainin ang isang pagkain. Maaring makaramdam ng panlalata at panghihina. Ang iba ay nakararamdam ng labis na pagka-antok.

Kung sakali naman na kayo ay nakararamdam na ng sakit nito. Narito po ang ilang lunas na natural. Sang-ayon po kasi sa aking kaibigang doctor, ang mga pain killers daw po at pain relievers ay maaring makapag-papurol ng utak. Minamanhid daw po kasi ang katawan, subalit naroon pa rin ang sakit.

Narito po ang ilan.

  •  Una, mag-ihaw ng sibuyas na tagalog; iyong kulay lila. Pagkatapos na maihaw ay pigain ang katas nito at ipahid sa balakang at puson. Makararamdam po kayo ng ginhawa subalit medyo mabaho lamang po ang sibuyas.
  • Pangalawa, punuin ng mainit na tubig ang bath tub at ibabad ang katawan. Kung walang bath tub ay sa palanggana na lamang basta magkasya lamang ang balakang at puson. Lagyan ng tuwalya na binasa sa malamig na tubig ang noo upang hindi umakyat ang init sa inyong ulo. Nakatutulong po kasi ang init para malunasan ang cramps. Pinabibilis din po nito ang daloy ng dugo at maaring tunawin ng mainit na tubig ang mga buo-buong dugo sa loob ng inyong pwerta.
  • Pangatlo.Kung kayo ay mayroong pandan. Kumuha ng mga pitong dahon nito at ilaga. Inumin ang pinaglagaan nito habang mainit-init pa.
  • Pang-apat, Maari ninyong gamitin ang herbal oils kung mayroon kayo. Ipahid lamang ito sa inyong puson at balakang. Pero ang ipinapahid ko po ay ang pantanggal sa kabag ng mga bata na walang iba kundi ang aceite manzanilla.
  • Panghuli. Sikapin po na magpahinga. Kung kayo ay hihiga ay maari ninyong bahagyang itaas ang inyong mga paa. Iwasan din po ang labis na pag-aalala. Mayroon din pong mga banayad na ehersisyo na maaring gawin kapag kayo ay nahihirapan sa pagreregla. Kung maari ay huwag po munang kumain ng malalamig.

Sana po ay makatulong ang mga bagay na ito. Muli ko pong ipinapaalala, mas makabubuti po na kayo ay sumangguni sa doktor. Subalit payo po ng mga matatanda lalo na sa mga dalagang pinahihirapan ng dysmenorrhea. Simple lang daw po ang gamot, mag-asawa at magkaanak daw po.

God bless!

 

Incoming search terms:

  • gamot sa dysmenorrhea
  • sakit sa puson
  • gamot sa sakit ng puson
  • sintomas ng rereglahin
  • ano ang gamot sa dysmenorrhea
  • dysmenorrhea gamot
  • sanhi ng dysmenorrhea
  • mga gamot sa dysmenorrhea
  • anong gamot sa dysmenorrhea
  • lunas sa dysmenorrhea
0 comments

About the author

Rachel Batican-Astrero

 

Rachel Batican-Astrero is a loving wife and a full time Mommy of her two- year- old baby boy.She is a graduate of AB theology in Northen Luzon Adventist College. She has no formal education as far as writing is concern, but her only objective in writing is to inspire people, to give some informations and   to impart lessons in life. She is currently living with her family in California, USA.

Malaking kaligayahan ko na po na makita na inyong binasa ang aking akda, napapangiti po ako kapag ito ay inyong ni-like. Naiiyak po ako sa tuwa kapag ito naman ay inyong i-share. Nakalulugod rin pong basahin ang inyong mga komento. Inspirasyon ko po kayo. Pagpalain po kayo ng Poong Maykapal!

Pwede ninyo akong i-add sa facebook, hanapin lamang po si rachel batican-astrero

Join Our Mailing List
Like Us on Facebook