Gusto n'yo po bang malathala ang inyong akda sa AdoboChannel? Send n'yo lang po sa [email protected] o i-submit dito. Click Here to Submit

Diary

my diary

Halos lahat  tayong mga babae ay mahilig gumawa ng diary lalo na sa mga pangyayaring pakiramdam natin ito ay importante sa ating buhay.

Mga pangyayaring hindi dapat makakalimutan. Minsan sa ating pagka hilig sa ganito ay dito rin tayo napapahamak at nalalaman ang ating mga pinaka iingatang sekreto.

Mayroon akong kaibigan, sampung taon ang aming agwat. Ate ang tawag namin sa kanya, mabait, mahinhin at lalo na maka Diyos. Maka Diyos dahil bago at pagkatapos kumain nagdadasal; bago matulog at pagkagising nagdadasal, kada linggo laging present yan sa Simbahan. Pati Miyerkules na araw ni Mama Mary at wala siyang liban. Lagi siya ang batayan ng aming magulang bilang dalagang Pilipina sa aming lugar. Sa edad niyang dalawampu’t pito wala pa siyang Nobyo noon na makikita naming bumibisita.

Kung sa edukasyon ang pagbabasihan, dalawang kurso ang kanyang natapos sa isang kilalang Unibersidad sa aming lugar. Maganda ang mukha at may dalawang biloy sa magkabilang pisngi na binagayan ng pantay-pantay na mapuputing ngipin. Kasing kintab ng gabi ang kanyang mahabang buhok, nangungusap ang kanyang may mahaba at pilantik na mga mata.. wow! ha, parang Diyosa ang pagkaka larawan ko sa aking kaibigan.

Laging kong naririnig sa aming mga Nanay na tularan daw namin si Ate Emily.

Oo nga naman, kahit kung kumilos nito ay napaka pino, hindi makabasag pinggan wika nga nila pag inilalarawan ang babaeng mahinhin. (ewan ko lang bakit lagi pinggan inihahalintulad). Kung umupo ito at laging naka magkadikit ang mga paa, hindi tulad naming burara sa pag upo walang pakialam .( bata pa naman kami nun eh)..

Pero ang ipinagtataka naming kanyang kaibigan, bakit kaya walang nanliligaw sa kanya? Hindi naman istrikto ang kanyang mga magulang. Bukas naman ang kanilang bahay kung halimbawang mayroon pumanhik para manuyo sa kanilang dalaga.

Isang araw binagyo ang aming lugar, ang daming mga basurang nagkalat sa aming paligid. Pumasok din ang mataas na baha sa aming mga bahay, kailangan naming maglinis. Marami naman kaming magkakapatid na nagtulong-tulong madaling natapos ang aming paglilinis.. Gumala ako pagkatapos, napadako sa lugar ng aking ate Emily. Bising bisi din siya sa paglilinis. Dumating din ang isa kong kaedad lang na kaibigan; tinulongan namin si ate Emily sa kanyang ginagawa. Sabi niya mag gegeneral cleaning nalang daw siya total nandoon naman kami ng aking kaibigan para siya ay tulungan. Habang kami ay naglilinis, kasama na ang pagtutupi ng mga damit na galing sa kabinet, may nakita akong plastic na may lamang itim na tela. Pero tila ito ay mabigat.

Kyuryos ako sa aking nakita, gusto kong buksan. Sinabi ng aking kaibigan na baka daw magic yan at may kasamang dasal kaya wag ng buksan. O baka may lumabas pa na kung ano-ano dyang masamang espiritu. ( ang lala ng imahinasyon ng aking amiga).

Pagkatapos naming magtupi ng damit, hindi ko ibinalik sa kabinet ang plastic na aking nakita. Niyaya ko ang aking kaibigan pumunta kaming dalawa sa palikuran habang si Ate Emily ay naghahanda ng aming meryenda. Binuksan namin ito at ang aming nakita.

Isang batong itim maliit lang naman, at may sulat, tapos may maliit na parang krusipiho. Nagkatinginan kami ng aking kaibigan. Binasa ang nakasulat sa papel na yun.

” Mahal na mahal ko siya, hindi ko mapigilan ang aking sariling hindi ako umibig sa kanya sa kabila ng aming pagiging magpinsang buo. Nagkakamabutihan na kami, naibigay ko na ang aking sarili sa unang pagkakataon sa lalaking ito. Hindi ko makayanang mawalay siya sa akin. Ipinangako naman niyang mamahalin din ako sa kabila ng aming sitwasyon. Hindi ko pinagsisihan ang aming ginawa.”.

Parehas kaming napatda ng aking amiga, kilala kasi namin ang lalaking tinutukoy niya sa kanyang sulat. Parang nawalan ako ng respeto at gana sa aming itinuturing na ate. May lihim pala itong tinatago sa kanyang pagkatao.

Hindi naman sa hinuhusgahan ko siya, pero sa totoo lang bigla akong dumistansya sa kanya; kami ng aking amiga.

Habang papasok kami sa aming paaralan, hindi inaasahang nakita namin ang dalawa na magkasukob sa payong at naglalambingan. Naninindig ang aking balahibo sa aming nasasaksihan. Pumasok sa isip ko na, kaya pala ayaw niyang tumanggap ng manliligaw kasi may nagmamay ari na sa kanyang puso.

Nalaman rin ng kanilang magulang ang kanilang lihim na pag iibigan, at ito’y tuluyan ng pinaglayo…

Incoming search terms:

  • larawan ng diary
0 comments

About the author

Adelle Juliata Esic

A loving wife, working here as Private Nurse here in Jeddah,
and a boring blogger.
” hindi naman talaga ako writer, inspired lang kahit papano, pagpindut lang ng like masayang-masaya na ako.
God bless Us Always”

Join Our Mailing List
Like Us on Facebook