Gusto n'yo po bang malathala ang inyong akda sa AdoboChannel? Send n'yo lang po sa [email protected] o i-submit dito. Click Here to Submit

“Ang Lakas ng Isang Ama”

father

Sa pagbukas natin sa radyo o telebisyon, ang mga balitang krimen na sumasalubong sa atin ay lubhang nakababahala:  mga batang nangagkalat sa lansangan na nagsisipagsinghot ng rugby, mga kabataang nahuhuling nagsisipagnakaw o nanghohold-up ng mga pasahero, mga dalaginding na nasasakote sa mga bahay-aliwan, kabi-kabilang rape, massacre, budol-budol, at napakarami pang iba.

Mapauusal ka na lamang ng ‘susmaryosep!”  Ano na bang nangyayari sa mundo?  napakarami na ng masasamang tao.  Bakit ba nagkakaganito ang ating lipunan?

Naalala ko tuloy ang isang professor namin sa Laguna, noong nag-take ako ng MAED course, major in Educational Administration and Supervision.  Ang talakayan ay ukol sa current issues and contemporary social problems.

Aniya, ang lipunan ay nahaharap sa matitinding suliranin.

“Bakit marami ang mga batang pakalat-kalat sa lansangan?  Bakit patuloy na lumalaki ang bilang ng mga out-of-school youth at drop outs?  Bakit lumalaki ang porsiyento ng child prostitution, juvenile delinquency at sari-saring krimen?”

Saglit siyang nanahimik; ang mukha niya ay larawan ng katandaan at ng wisdom.  Lahat kami’y matamang nakatingin sa kanya at nag-aabang sa susunod niyang sasabihin.

“Ngayon, sa inyong paglabas sa ating silid-aralan, nais kong pag-isipan n’yo nang maigi ang mga katanungang inisa-isa ko.  Bukas, ang sinumang makasasagot sa mga katanungang iyon sa pamamagitan lamang ng ilang salita ay bibigyan ko ng UNO!  1 piece index card, small.  Class dismissed.”  Isang matipid na ngiti ang iniwan niya sa amin at siya’y lumabas na ng silid.

Nagkaroon ng ingay pagkalabas na pagkalabas niya.  Palitan na ng komento at may kasamang hagikgikan.  Karamihan sa mga kamag-aral ko’y mga guro’t empleyado ng iba’t ibang paaralan, ngunit maihahalintulad kami sa mga simpleng mag-aaral sa kolehiyo.  Dito’y walang posi-posisyon; kesehodang principal ka sa isang elementary o high school o kahit pa may-ari ka ng isang paaralan.

“Hala!  Paano ba natin sasagutin ang napakaraming tanong na iyon sa isang index card?  ang natatawang bulalas ni assistant principal.

“Liitan na lang ang sulat para magkasya?” natatawang sagot ni librarian.

Marunong kayang magbasa ng steno si Sir?” singit naman ni ka-friendship ko habang patawa-tawa.

“Hayyy, matinding pagbubulay ‘to.  makauwi na nga’t makakain.  Baka matsambahan ko ang uno, hahaha!  Hindi ako makapag-iisip pag gutom eh,” ayon naman kay new college graduate naming kaklase.

Ako nama’y nagsimula nang maglakad pauwi.  Malapit lamang sa aming tirahan ang aking graduate school na pinasukan.  Habang naglalakad akong pauwi, binalik-balikan ko sa isip ang mga katanungan ni Sir.  Nadaanan ko ang ilang bata na naglalaro sa mga bangketa.  Binaling ko ang aking paningin sa bawat bahay na aking nadaraanan.

Naisip ko tuloy… wala kayang mga bata sa paligid ng aming tirahan ang mapabibilang sa mga binanggit ni Sir?  Kung sakalaing mayroon man, ano kaya ang magtutulak para mangyari ang mga iyun?

Sa patuloy kong paglalakad, walang kaalam-alam ang aming mga kapitbahay na binubusisi ko  sa aking isip ang estado ng kani-kanilang pamilya, ayon sa pagkakakilala ko sa kanila.  Nang makarating ako sa aming munting tahanan, sinalubong ako ng halik ng aking mga anak.

“Ahhh!  Alam ko na ang isasagot ko kay Sir bukas.”  ^_^

—-

Kinabukasan…isa-isang kinuha ni Sir ang mga index card namin.  May ilang naka-stapler pa dahil hindi umano kasya ang kanilang sagot sa iisang index card lang. Nakitawa naman si Sir at sa isa ay nagsabi ng “Ang laki ng handwriting mo, pang kinder.  Pre-elem teacher ka ba?” 

Palakad-lakad siya sa harapan ng kase habang binabasa nang isa-isa ang aming ipinasa.  Paminsan-minsan ay napaiiling…minsan ay ngingiti, o kukunot ang noo. Para kaming naghihintay ng aming sentensiya.

“Yung napakahaba ng sagot ay 3 ha.  Not following instructions.”  Lumikha ng komosyon ang tinuran niyang ito.

“Sir naman!  Have mercy!”

“Sir, napakahirap ipaliwanag sa kaunting salita eh!”

“Iisa lang yata ang sumunod sa instruction ko…” sabay tingin niya sa akin, na ikinatingin na rin ng iba sa akin.

“Sir, si Pineda po?” tanong ng ilan.

Itinaas ni Sir ang isang index card at iniharap ito sa klase.  Wala itong sulat sa likod; sa harapan lamang mayroon at napakaiksi pa.

“Yes, si Ms. Pineda nga.”  Bumaling si Sir sa akin.  “Ms. P, you have a very interesting answer and actually, the only one who strictly followed my instruction to answer with only a few words.”

Hala!  Nag-uunahan ang bog-bog sa aking dibdib.  Naka-eexcite ang sinabi ni Sir.  Naging prof ko na rin siya sa dalawang subjects kong nauna nung past semester.  Lalo tuloy akong humanga sa kanya dahil kahit kailan ay nakagagana siyang humawak ng klase.

Binasa ni Sir sa harap ng klase ang aking maikling sagot.

“Kakulangan o kawalan ng “lakas” ng isang AMA ang pinakaugat ng nakararaming suliranin sa ating lipunan.”  Ngumiti ito, at nagpatuloy.  “You deserve a flat one, Ms. Pineda.”

Naghiyawan ang aking mga kaklase, at ako’y high na high sa kanyang tinuran.  Cloud 9!  Binati ako ng aking mga kaklase; abot tainga ang aking ngiti…pero, teka… itinaas ni Sir ang dalawa niyang kamay upang magsitahimik kaming lahat.

BUT….(bog bog bog ang tunog ng dibdib ko…bakit may BUT pa si Sir?) “Ms. Pineda, if you can properly explain your answer to the class, and I am fully satisfied, I am tempted to exempt you from the final exam on Friday.”

Wahhh!  Riot sa klase namin…. “Sir!  Kami rin, Sir!”

Wow! Exemption?  hahaha!  Graveh na ito, sa loob-loob ko.  Para akong nasa ‘Spin-A-Win’ game show nang mga oras na ‘yun.  Super exciting nang final spin!  Woohhhh!  Huminga ako nang malalim at tumayo, sabay ngiti (pero ‘wag ka, nanlalamig ang aking mga kamay noon.  Parang doon sa oras na iyun nakasalalay ang aking buhay.  Iba talaga si Sir.  Buhay na buhay ang dugo mo sa klase; wala talagang aantukin eh!  Hindi ka lalabas sa klase niya nang hindi ka naaalog.  hahaha!)

Siyempre, may nakahanda akong sagot.  Alam kong kailangan kong suportahan ang ipinasa ko.  Eto na!  Spin-A-Win!!!

Inulit ko muna ang aking sinagot sa index card.

Kakulangan o kawalan ng ‘lakas’ ng isang AMA ang pinakaugat ng nakararaming suliranin sa ating lipunan.”

Generally speaking po, kung babalikan natin sa ating isipan ang mga kilala nating pamilya, mga kamag-anak man o kaibigan; kung ililibot natin ang ating paningin sa ating paligid at susuriin ang estado ng bawat pamilyang kakilala o maging yaong napanonood natin sa telebisyon o pelikula, pansinin natin ang “lakas” ng isang ama ng bawat pamilya.

Yaong may mabuway o may mahinang paninindigan na ama ay kadalasang hindi mahusay magdala ng pamilya.  Sa ilalim ng pamumuno kasi ng “haligi ng tahanan” nakasalalay ang ikatatatag ng pagkatao ng isang anak at ikasisiya ng maybahay nito. Tunay na katuwang ng ama ang ina sa paghubog sa anak, bilang ilaw ng tahanan; ngunit sa kabuuan, ang ‘lakas ng isang ama’ ang siyang magdadala sa kahusayan ng kanyang pamilya.  Ang ‘lakas ng isang ama’ ang siyang magdadala sa kanyang mga anak sa paaralan. Ang ‘lakas ng isang ama’ ang magdadala sa pamilya sa mas mabuting kalagayan — maayos na bahay, sapat na pagkain at pananamit, mabuting kalusugan, at tuluy-tuloy na edukasyon. Ang ‘lakas ng isang ama’ ang siyang magtuturo sa mga anak upang lumaki ang mga ito nang may paninindigan at may pagpapahalaga sa sarili at pamilyang kinabibilangan at siya ring magtuturo sa pamamagitan ng mabuting halimbawa kung paano hinaharap at ginagampanan ang tungkulin ng bawat isa.

Ang kawalan o kakulangan ng lakas ng isang ama ang siyang maaaring magdala sa mga bata sa hindi maayos na kalagayan o pagkariwara.  Kung kulang o walang lakas ang isang ama upang gampanan ang kanyang tungkulin sa pamilya, may panganib na maging magulo at maging watak-watak ang pamilya.  Puwera na lang kung babalikatin ng isang ina ang pagiging ‘haligi ng tahanan’ at kakayanin niyang maging haligi at ilaw nang sabay, may pag-asa pang maisalba ang mga bata.  Ngunit sa pangkalahatan, wala sigurong batang maliligaw ng landas kung walang iresponsableng ama.”

Ngumiti-ngiti si Sir, at muling nagtanong…

“Eh paano ‘yung mga walang ama mula noong isinilang?”

“Sir… it all goes down to your gender,” natatawang sagot ko.  “If a man does not desire to sire a child and be a father in all sense of the word, hindi siya dapat magpunla.  Kung hindi handang magtaguyod ng anak o pamilya, hindi muna dapat nag-aasawa or nambubuntis!  Kung mag-aanak man, dapat ay ‘yung dami lang na kaya niyang itaguyod.”

“So, are you saying na kasalanan naming mga lalaki ang maraming problema ng lipunan?” patuloy na pag-challenge ni Sir sa akin.

May mga sumasabat na at nakikisali sa aming talakayan.  Pumapanig na ang mga lalaki sa aming prof at sumesegunda sa akin ang mga babae.  hahaha!  Buhay na buhay talaga ang klaseng hinahawakan ni Sir.

“Sir, mga lalaki talaga ang salot!” malakas na pag-ayuda ng isa sa aming kaklase.  Nagkatawanan lalo.

Tumayo ang aking ka-friendship at nagdagdag ng pananalita.

“Men should learn to control their urges para walang prostitution, Sir.  Law of supply and demand.  Walang magsa-supply, kung walang magde-demand.”

Malakas na tawanan ang nangyari.  Kinailangang magpatahimik ni Sir upang hindi makabulahaw ng ibang nagkaklase sa building namin.  Ibinalik niya sa order ang talakayan.

“Oo na…kasalanan na namin…” natatawa nitong pag-surrender.  “No child would steal if he is provided with all his needs.  No child would wander in the streets if he has a home and not just a house, or both.  Of course, as we all know, those are two different things.  No child would be out of school if he has a father who values education.  There would be very few crimes if children are brought up emotionally healthy and well-nurtured.  Ang anumang kakulangan o kahinaan ng ama ay karaniwang pinupunan dapat ng ina, right?  Bilang, as you say, ‘ilaw ng tahanan.’

“Yes, sir,” sagot naming lahat.

“But then again, Ms. Pineda,.…”

“Huh, Sir?”  (wehhh, may pahabol pa rin?  Hindi pa ako lusot?)

“…why should it be the men’s role?  Bakit hindi mo sinabing ‘lakas ng isang ina?  When, after all, women are co-parents and women are supposed to be men’s equal gaya ng demand n’yo for equal rights?  may kislap ng paghahamon ang mga mata ni Sir, habang ang mga labi niya’y nangingiti.

“Sir naman, it is the law of nature and written many times in the Bible that men are supposed to be the head of every family; that men are to provide, and women, to give birth and nurture her family.  Kaya nga po men were given two heads, the better to think with!”  may malaking ngiting pinahabol ko (fingers crossed ako n’yan).

Ang lakas ng tawa ni Sir at ng lahat ng kaklase ko.

Tumunog ang bell signaling the end of the period.  Iling-tawa pa rin si Sir, medyo naluluha na yata sa pagtawa.

“Ms. Pineda, you’re exempted from the finals on Friday.  Class dismissed.”

Yessss!!!

(Who said masteral classes are so damn boring and serious?  Definitely…not me. ^_^)

Incoming search terms:

  • batang nirape
  • nirape ako ni tatay
  • ang lakas ng isang ama
  • ang lakas ng isang ama tula
  • nirape ni tatay
  • nirape ng ama
  • nirape ng tatay
  • papaless ng walang ama ang bata
  • suliranin ng ama at anak na tula ama
  • tatay nirape ang anak na babae story blog
2 comments
wolfram
wolfram

Sorry, pero hindi po ako sangayon. Masasabing may pagka-feminist ng kaunti but still, very Patriarchal ang dating nito sa akin.

BoyLabaha
BoyLabaha

Nakakaaliw naman basahin nito! :)

About the author

Chumpola Pineda

I’m old enough to be a grandma, but not yet a grandma;  just a doting mom and a childlike daughter to my father.

Just a simple mom, with special kids and a special-needs kid.  ^_^  I am a multi-tasker, cooking while I sew, writing while I sing, cleaning while I bathe.  Lol.  Patience and perseverance are my topmost values and I intend to enjoy life with my kids, my family and friends.  I love everyday and the simple joys worth cherishing day in and day out.

Join Our Mailing List
Like Us on Facebook