Gusto n'yo po bang malathala ang inyong akda sa AdoboChannel? Send n'yo lang po sa info@adobochannel.com o i-submit dito. Click Here to Submit
Gusto n'yo po bang malathala ang inyong akda sa AdoboChannel? Send n'yo lang po sa info@adobochannel.com o i-submit dito. Click Here to Submit
Eksaktong ika-anim ng umaga umalis sa school campus ang arkiladong aircon bus lulan ang mga 4th year High School students na kumukuha ng C.A.T. o Citizens Army Training. May bivouac kami o camping sa Makiling National Scout Reservation, isang campsite sa paanan ng Mt. Makiling. Kamalas naman…naiwan ako. May mga rallyista kasing papunta sa Mendiola kaya mabagal ang takbo ng mga sasakyan sa dinaanan ko. Ang aga-aga naman kasi nagra-rally na.
Lulugo-lugo kong tinungo ang gate ng campus para umuwi na lang. Bitbit ang mabigat kong backpack na puno ng mga de-latang pagkain, damit, tuwalya, kutsara’t tinidor, toothbrush, colgate, sabon at kung anu-ano pa…laking gulat ko nang masalubong ko si Ariel, isang classmate ko na naiwan din pala. Napagkasunduan naming mag-commute na lang papunta sa Los Baños kung saan naroon ang Mt. Makiling. Pumunta kami sa terminal ng bus sa Plaza Lawton. Habang naghihintay ang sasakyan namin ng iba pang pasahero ay bumili ako ng makakain sa isang naglalako ng meryenda. Pancit ang na-tripan kong kainin. Matagal magpuno ng pasahero…naiinip na kami ni classmate.
Sa wakas, paalis na rin ang bus. Mabagal na itong umuusad nang biglang kinalampag ng kundoktor ang gilid ng bus hudyat na ihinto ito dahil may humahabol na pasahero. Nasorpresa kami ni Ariel sa umakyat na mga pasahero. Hindi namin iyon inaasahan. Ang GRUPONG PASOSYAL ng school namin ang limang pasaherong umakyat. Sila yung pinakamagagandang estudyante sa buong campus. Kasama rin sa grupo nila yung pinakasikat na bakla sa batch namin. Pinakasikat sya kasi bokya ang score nya sa NCEE (National College Entrance Examination).
“Hi, Abner. Hi Ariel”, ang bati sa amin ni Rosanna, naiwan din pala kayo” sabay upo sa bakante pang upuan sa harapan namin ni Ariel. “Hehehe…maiiinggit sa atin ang lahat ng boys pagdating natin sa campsite”, bulong ni Ariel. Tumango na lang ako habang titig na titig sa maamong mukha ni Rosanna. Crush ko sya.
Bumabagtas na kami sa expressway nang may kakaiba akong naramdaman sa katawan ko. Pinapawisan na ako ng malamig. Napansin ito ni Ariel. “Pare, okey ka lang ba?”, tanong nyang may pag-aalala. Pabulong kong sinabi sa kanya na masakit ang tiyan ko at mukhang hindi ko na mapipigilan. “Lalabas na, brod. Bwisit na pancit kasi eh. Panis yata”, bulong ko kay Ariel. Impit na napatawa ang kaklase ko. “Walanghiya ka, pigilin mo. Kaya mo yan”. Tsini-cheer ako ni Ariel. Pero nangyari ang hindi dapat mangyari. Mabuti na lang ay nasa harap namin sila Rosanna dahil kung nakapwesto sila sa likuran ay sila ang magpipiyesta sa halimuyak ng nilabas kong “sama ng loob”. Sa isip-isip ko, di bale ma-gubat naman siguro ang bababaan namin. Magbibihis na lang ako sa likod ng talahiban. Sumpa ng mga sumpa! Sa kabayanan pala ng Los Baños ang bababaan namin. Ang daming pasahero sa bus stop na hinintuan namin, unahan sa pag-akyat ang mga tao para makaupo. Nahirapan kami sa pagbaba dahil sinasalubong kami ng umaakyat na pasahero at bago pa man ako nakababa ay narinig ko pa ang sinabi ng babaeng malas na umupo sa inupuan ko…”ay, basa. Ambaho!” Binilisan ko ang pagbaba ng bus.
Tanghaling tapat na nang makarating kami sa campsite. Agad nagreport sa Commandant ang mga latecomers. Ako naman ay dumiretso sa C.R. para labhan ang “nadumihan” kong pantalon. Matapos nun ay hinanap ko ang tent ng groupmates ko. Malayo sa karamihan ang tent namin.
Nag-marching drills kami bandang hapon na. Nung gabi naman ay nagkaroon kami ng war games. Masaya ang lahat. Napuno ng ingay ang buong campsite. May mga nagkakantahan pa. Ang grupo ko naman ay nagpahinga na sa aming tent. Hindi na kami sumali sa iba pang programs dahil antok na kami.
Kinaumagahan pagkagising, nagulat kami dahil wala na ang lahat ng mga kasama namin. Saan sila nagpunta? Kami na lang ang natira sa campsite. Maging yung mga tent ng ibang groups ay wala na rin. Kami na lang talaga ang natira. Maya-maya ay may dumating na dalawang officers namin. Nasa bayan na daw ang lahat at nang mag-roll call tsaka lang nila nalaman na naiwan kami. Palibhasa kasi’y hiwalay nga sa iba ang tent namin. Meron palang kababalaghang nangyari kagabi.
Na-possess ng bad spirits ang limang babaeng estudyante. Isa dun si Rosanna. Sabi ng nagkukwentong officer na kaklse rin namin na kagabi raw habang nagkakantahan sila bigla na lang raw nagsitumbahan sila Rosanna at tumirik ang mga mata habang nangingisay. Nang tangkain daw nilang buhatin ang mga ito ay nagpumiglas. Malakas raw sila Rosanna. Kinailangan ng limang kadete ang pumigil sa bawat isang biktima ng possession. Isinugod nila ang lima sa ospital nung gabi ring iyon. Napakalma naman daw pero pabalik na sila sa campsite nang muli na naman daw nag-seizure sila Rosanna. Medyo maliwanag na raw kaya may mga taong nakiusyoso sa kanila. May isang nagpayo na mabuting dalhin sila sa isang albularyo.
Samantala, pinag-pack up na pala lahat ng kadete bandang alas singko ng madaling araw at dinala sa bayan habang hinihintay ang inarkilang aircon bus na maghahatid sa amin pabalik sa Maynila. Doon nila nalaman na nawawala kami kaya nga pinabalik ang dalawang officers para hanapin kami.
Ayon sa nagkukwentong officer, habang ginagamot ng albularyo ang mga biktima ay nagsalita raw si Rosanna na kakaiba ang tinig na lumabas at nagsabing may isa pa silang kukunin. “Lalaki ang isusunod namin”, sabi ng espiritung sumanib kay Rosanna. Kinabahan kaming lahat.
Habang naglalakad kami papuntang bayan kung saan naroroon lahat ng mga kadete ay nagbibiruan pa kami. Pampaalis ng nerbyos. Sino kaya yung isusunod daw? “Baka si Abner”, biro ni Ariel. Ngiii. Kinilabutan ako.
Paahon ang kalsadang nilalakaran namin. Pag narating namin yung tuktok ay malapit na kami sa bayan. “Hooh…konti na lang makakauwi na tayo”, sabi ng isa naming kaklase nang biglang nadapa yung katabi ko. Tumilapon ang bag na dala nya. Pero laking takot namin nang biglang parang may kumakaladkad sa kanya…parang may humihila sa kanya na hindi namin nakikita. Napopossess na rin pala sya. Nagtakbuhan na kaming magkakaklase dahil sa takot. Mabuti na lang ay may nasalubong kaming jeep at pinara namin ito upang isakay ang napo-possess naming classmate. Idineretso namin sya sa albularyo. Napakalma naman sya ng albularyo at nung bago magtanghali ay dumating na ang bus at agad kaming lumisan sa pook na iyon.
Habang nasa bus ay kwentuhang katakutakot ang nangyare. Kaya raw pala sinapian ng espiritu ang mga classmates namin ay sa dahilang nagalit ang mga namamahay doong mga engkanto sa ingay na gawa namin nung mag war game kami. Naistorbo pala namin sila.
Hindi pa dito natatapos ang istoryang ito dahil may naganap pang kababalaghang nadala namin sa Maynila. Itutuloy….

[...] Kung di mo pa nabasa ang Unang Yugto ng kwentong ito, click here [...]