Gusto n'yo po bang malathala ang inyong akda sa AdoboChannel? Send n'yo lang po sa [email protected] o i-submit dito. Click Here to Submit

“Ang Dalaginding” 2

dalagitang pinoy

Part 1 (May 27,2013)

Part 3 (June 10, 2013)

Part 4 (The End) (June 17, 2013)

Ang biyaya ng Sulyaw

Hello, klasmeyts!” masigla kong bati sa mga naabutan kong kamag-aral sa Sulyaw; ang una naming tambayan nang kami ay Freshmen pa lang.

Sa katulad naming super limitado ang budget, malaking bagay ang may nakakainan kang mura ang pagkain at may sampung pisong bottomless iced tea pa.

“Huyyy, friendship!  Hati ulit tayo sa order ng ulam ha,” ang agad isinalubong sa akin ni friend Kash.

“Of courseeeee!  Dating gawi s’yempre.  Makulay na buhay sa gulay, hahaha!” sagot ko naman.  Malaking bagay kasi sa kagaya naming nagboboard ang makatipid sa gastos.  Bukod kasi sa pagkain, kuryente at tubig, may mga binabayaran pa ring iba sa pag-aaral; mga brochures, pa-xerox, manuals, hayyy… endless expenses.  Tulong na sa magulang ang maging masinop sa budget na ibinibigay nila.  Tipid o tigil aral?  Magtipid na lang, s’yempre.

 “O ayan, gisadong ampalaya,” halos panabay naming nasabi habang naglalaway sa

nakahilerang mga ulam. And as usual, libreng sabaw pampagana sa kain.  Solved na kami diyan.  Pero sa mga panahong super broke na kami, nagkakasya na kami sa isang order ng kanin at libreng sabaw, hahaha!  Suki naman, pakapalan ng mukha.  Eh ano kung nakabudget meal kami?  Hindi naman kami celebrity para itsismis ng makakakita.  Kanya-kanyang mundo kami rito sa LB.

Sa paglipas ng ilang semester, natuto na kaming rumaket upang makatulong sa aming mga magulang, at siyempre, para maka-good chow na rin.  May ilan sa aming nagtrabaho bilang fastfood crew, may tumutugtog ng violin sa mga events, may nagtututor, at ako…well, malaking tulong ang communication at writing skills na naipamana sa akin ni Inay.  Rumaket ako bilang editor , at nang lumaon ay napasok ko na rin ang online tutorial.

Sa madaling salita, kapag hindi mabigat ang iskedyul sa mga gawaing pangkolehiyo, nakasisingit ako ng trabaho.  Good chow ang status kapag nakatanggap ng katas ng raket.  ^_^  May pasalubong pa akong naiuuwi sa aking mga kuya at nanay!  At sabi nga ni mother dear, nakagaganda sa resume ang pagkakaroon ng working experience before graduation.  Boom!  Life is good!

—-

Sa loob ng silid-aralan

Wahhh!  Nalibang ako sa pagbabasa.  Baka ako mahuli sa  klase.

Lakad, takbo, lakad, takbo, takbo, takbo.

Ma’am, ‘wag ka munang dumating ha.  Paunahin mo ako,” ang mala-orasyong paulit-ulit kong ibinubulong habang nagkukumahog na makarating sa nakatakdang silid-aralan.

Hinihingal na ako pag-upo ko sa aking puwesto.  Eksaktong-eksakto lang sa upo ko ang pagpasok ni Ma’am.  ^_^  Sulit ang aking ginawang marathon.

Walang oras na sinasayang si Ma’am sa attendance.  Wala ang karaniwang roll call; bagkus ay ang seating arrangement folder na kanyang ipinahanda.  Sa isang tingin ay madali niyang nakikita kung sino ang wala at mapapansin mo na siyang nagsusulat ng kung anuman sa bakanteng slot sa kanyang folder.  Agad na niyang sinisimulan ang inihanda niyang aralin.

Ako naman ay matamang nakikinig sa buong oras namin doon.  Pasulat-sulat ako sa aking notebook ng kung ano mang mahalaga sa aking pandinig; jotting notes, ‘ika nga ni Nanay.  At napatunayan ko naman na epektibo ang 100 porsiyentong pakikinig at konsentrasyon sa klase.  Isasara mo muna ang iyong isip sa ibang bagay upang lubos mong maunawaan at matandaan ang mga natalakay.

 “Namnamin mo, anak…” parang naririnig ko pa ang payo ni Nanay.  “Hindi lahat ay nagkakaroon ng pagkakataong makapag-aral, lalo na’t makapasok sa prestihiyosong unibersidad.  Napakasaya ko at ang pangarap kong makapasok diyan ay nangyari naman; sa iyo,” nangingilid pa ang luha niya sa saya habang sinasabi ito.

Aba’y hindi naman talaga ako nagpapabaya.  Sayang ang panahon at mga gastusing ibinuhos sa akin dito.  Natutunan kong lalong magustuhan ang pag-aaral.

Para pala itong pag-aalkansiya!  Bawat natututunan mo ay parang baryang inihuhulog mo kay Piggy Bank na sa kalaunan ay siyang paghuhugutan mo ng kagalingan upang magkaroon ka ng mas magandang kinabukasan.  Bongga, ‘di ba!

Ang malas nga lang ay kung hindi mo makitaan ng dedikasyon sa pagtuturo ang inyong nagiging guro; damay-damay na ang nakahahawang katabangan.  Sariling sikap na ang iyong pag-asa kung nais mong may makatas sa subject na hawak niya.  Hayyy, mabuti na lang at iilan lamang ang gaya niya at higit na marami ang aking mga pinagpipitaganang guro; yaong lubos kang pasisiglahin upang magustuhan mo ang pag-aaral at ang pagkatuto.  Oh yeah!

 ITUTULOY….

Part 1 (May 27,2013)

Part 2 (June 3,2013)

Part 3 (June 10, 2013)

Part 4 (The End) (June 17, 2013)

Incoming search terms:

  • aralin 4 dalaginding
  • ang dalaginding aral
  • Dalaginding part 2
  • pagtuturo sa guyabano tea
  • test sa ang bagong filipino iv ang dalaginding ni
  • tunggalian sa ang dalaginding
0 comments

Trackbacks

About the author

Chumpola Pineda

I’m old enough to be a grandma, but not yet a grandma;  just a doting mom and a childlike daughter to my father.

Just a simple mom, with special kids and a special-needs kid.  ^_^  I am a multi-tasker, cooking while I sew, writing while I sing, cleaning while I bathe.  Lol.  Patience and perseverance are my topmost values and I intend to enjoy life with my kids, my family and friends.  I love everyday and the simple joys worth cherishing day in and day out.

Join Our Mailing List
Like Us on Facebook