Gusto n'yo po bang malathala ang inyong akda sa AdoboChannel? Send n'yo lang po sa [email protected] o i-submit dito. Click Here to Submit

An Angel Kiss (Sulat ng Anak para sa Ina)

to_my_dear_mother

Mahal kong Ina,

Hindi ko man nakita ang mundo, hindi ko man nakita ang maamo niyong mukha na para sa akin ay isang pagpapala. Ngunit alam niyong wala akong inanakit sa iyo aking Ina. Ikaw pa rin ang alam kong dahilan ng pagkabuhay ko noon sa iyong sinapupunan. Alam ko ang sakit na dulot ng pagkabuhay ko sa iyong mundo. Alam kong mahirap para sa iyo, ngunit hanggang doon na lang siguro iyon.

Nakita ko kung paano ka mahirapan sa sitwasyong una pa lang ay alam mong kinasusuklaman mo na ito. Ngunit pinilit mong huwag akong isuko, pinilit mong ipaglaban ako sa makamundong galit na unti-unting umuusbong sa iyong puso. Maaaring kinamumuhian ka ng marami, pero sino sila para husgahan ka.

Maaaring masakit saiyo ang aking pagkawala, ngunit alam mong iyon lamang ang nararapat. Dahil wala akong puwang sa mundong ibabaw, hindi ako nararapat isilang sapagkat ako’y bunga lamang ng isang pagkakamali.

Naramdaman ko rin naman ang pagmamahal na inialay niyo sa akin sa loob ng apat na buwan. Apat na buwan na kinakain ka ng iyong kunsensya. Alam kong mas nanaig ang Pag-ibig sa iyong puso para sa akin, para sa anak mong hindi pa naisisilang. Ngunti may mga bagay sa mundo na hindi kayang ipaliwanag.

Dumating ang pagkakataon na ako na ang sumuko. Hindi ko na kayang Makita ang gabi-gabi mong pag-iyak. Mas nasasaktan ako, mas masakit para sa akin ang Makita kang unti-unting kinakain ng kalungkutan. Ngunit hindi ko pagsisihan ang ginawa kong pagsuko, dahil alam kong para rin naman sa akin iyon.

Hindi ko maitatanggi na hinangad at pinangarap ko ring makulong sa iyong mga bisig. Ang marinig ang salitang “anak” sa mga labi mo. Nais kong bigyan ng pagkakataon ang sarili ko ngunit mas duwag pa sigurong tawagin ang isang katulad ko.

At ngayon Masaya na akong nakikita kita sa malayo. Na alam kong unti-unti mo ng natutupad ang mga pangarap ko. Sapat na sa akin ang Makita ang ngiti sa mga labi mo. At sa ngayon, lagi kong panghahawakan ang mga katagang binanggit mo bago ako mawala sa piling mo “I love you, baby.”

Salamat Mama. At unti-unti akong lumapit sa’yo kasabay ng paghalik sa pisngi mo.

Ang iyong guardian angel.

Incoming search terms:

  • Sulat ng anak para sa ina
  • liham para sa ina
  • liham para sa magulang
  • Liham ng anak sa magulang
  • sulat ng anak sa magulang
  • liham sa ina
  • liham ng anak sa ina
  • liham ng anak oara sa ina
  • sulat ng kaibigan para sa ina
  • sulat ng anak sa ina
11 comments
Merianne Alboc Caslangen
Merianne Alboc Caslangen

Thanks ke Lord at kahit ilang pasakit walang bumitaw sa aking mga anghel at di ako iniwan,dahil di ko kayang silay pakawalan......sila ang buhay at kayamanan ko di2 sa mundo.

Lovemoss Coquia
Lovemoss Coquia

muntik nq maiyak ...hindi po kasi aq duwag at iyakin..peo dama naman ng puso q...

Shamaja Shiela Yadnila
Shamaja Shiela Yadnila

huhuhu.sumikip dibdib q d2.kakaiyak tlga.lov u mga anak.mwuah.mwuah.kau ang life.w8 4 m0mMy ha.

About the author

Whiteangel

Isa akong ALIEN.. hindi isa palang anghel.. isang anghel na nagkatawang-lupa este tao pala :)

“Isulat ang nagliliparang ideya sa loob ng munting utak ko. At gawing inspirasyon sa bawat taong nakakabasa nito. Isang Narsesa na nalihis ng landas at nagsulat dahil sa kaibigan niya ang lapis at papel. Nagsayaw sa loob ng isang titik at umindayog sa saliw ng isang tula. Isang magandang anghel na bumaba sa lupa upang ibahagi ang magandang balita(inshort BALIW lang po ako :)Beri much SINGLE pala at magiging old maid dahil babantayan ko pa ang mga baby angel na nagliliparan din sa loob ng sinusulat ko. :D”

Join Our Mailing List
Like Us on Facebook